Inaasikaso ng isang gasoline station employee ang isang motorista sa isang refueling station sa Quezon City noong Hulyo 20, 2020. Jonathan Cellona, ABS-CBN News/File
MAYNILA (UPDATE) — Nag-abiso ang mga kompanya ng langis na magpapatupad sila ng pagtaas sa presyo ng kanilang mga produkto simula Martes, Disyembre 15.
Ayon sa Petro Gazz, Shell, Cleanfuel, Seaoil, Petron, Unioil, Caltex at PTT Philippines, tataas nang P0.60 ang presyo kada litro ng kanilang diesel at P0.50 sa kada litro ng gasolina.
Magpapatupad din ang Shell, Seaoil, Petron, at Caltex ng P0.55 taas-presyo sa kada litro ng kerosene.
Pero may price freeze sa kerosene sa mga lugar na nasa ilalim ng state of calamity.
Epektibo ang mga bagong presyo alas-6 ng umaga maliban sa Caltex na maga-adjust 12:01 ng hatinggabi at Cleanfuel na magpapatupad 4:01 ng hapon.
Noong nakaraang linggo, nagpatupad din ang mga oil company ng taas-presyo.
—Ulat ni Alvin Elchico, ABS-CBN News
Bisitahin ang
Patrol.PH para sa iba pang mga balita.
PatrolPH, Tagalog news, busina, konsumer, oil prices, oil price hike, petrolyo, langis, gasolina, diesel, kerosene, Shell, Petro Gazz, Cleanfuel, Seaoil, Petron, Unioil, Caltex, PTT Philippines