PatrolPH

Presyo ng petrolyo tataas sa Disyembre 8

ABS-CBN News

Posted at Dec 07 2020 01:28 PM | Updated as of Dec 07 2020 04:59 PM

Presyo ng petrolyo tataas sa Disyembre 8 1
ABS-CBN News/File

MAYNILA (UPDATE) — Muling magkakaroon ng pagtaas sa presyo ng produktong petrolyo, na ipatutupad sa Martes, Disyembre 8.

Ayon sa Shell, Seaoil, Petro Gazz, Cleanfuel, Caltex, at Total, P0.40 ang kanilang taas-presyo sa kada litro ng diesel habang P0.25 naman sa kada litro ng gasolina.

Magpapatupad din umano ang Shell, Seaoil at Caltex ng P0.60 taas-presyo sa kada litro ng kerosene.

Epektibo ang mga bagong presyo alas-6 ng umaga maliban sa Caltex na magpapatupad alas-12:01 ng hatinggabi at Cleanfuel na mag-a-adjust alas-4:01 ng hapon.

Magugunitang noong unang linggo ng Disyembre ay nagpatupad din ang mga kompanya ng langis ng taas-presyo sa kanilang mga produkto.

-- Ulat ni Alvin Elchico, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.