Big-time oil price rollback asahan sa Disyembre 7

ABS-CBN News

Posted at Dec 04 2021 11:39 AM

Pagkarga ng gasolina sa isang motorsiklo noong 2018. George Calvelo, ABS CBN News
Pagkarga ng gasolina sa isang motorsiklo noong 2018. George Calvelo, ABS CBN News

MAYNILA— May aasahang P2.50 kada litrong rollback sa produktong petrolyo sa susunod na linggo, ayon sa mga taga-industriya. 

Inaasahang rollback sa produktong petrolyo:

  • Gasolina - P2.50 - P2.70/litro
  • Diesel - P2.70 - P2.80/litro
  • Kerosene - P2.70 - P2.80/litro

Ang gasolina, may P2.50 hanggang P2.70 na inaasahang bawas-presyo. 

Sa diesel at kerosene naman, may P2.70 hanggang P2.80 na tapyas-presyong aasahan. 

Noon nang ipinaliwanag ng mga taga-industriya na dahil ito sa inaasahang pagbaba ng demand sa krudo, ngayong may travel ban sa iba't ibang bansa dahil sa banta ng Omicron variant. 

Gayunman, nananatili pa ring mas mataas ang idinagdag sa produktong petrolyo sa kabuuan ngayong taon kumpara sa mga bawas-presyo. —Ulat ni Alvin Elchico, ABS-CBN News