'Big time' rollback inaasahan dahil sa banta ng Omicron | ABS-CBN

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
'Big time' rollback inaasahan dahil sa banta ng Omicron

ABS-CBN News
Published Dec 03, 2021 06:53 PM PHT

MAYNILA - May aasahang "big time" na rollback sa presyo ng produktong petrolyo dahil sa banta ng Omicron variant sa buong mundo.

Ayon sa mga taga-industriya, mahigit P2 kada litro na ang ibinagsak sa presyo ng imported na gasoline, diesel, at kerosene.

"Kung nakikita ng mga suppliers, ng refiners na babagsak ang demand, nakakaapekto siya sa kaniyang selling price," ani Noel Soriano, president ng Independent Philippine Petroleum Companies Association.

Kung matuloy, ito na ang ika-4 na sunod na rollback sa gasolina.

ADVERTISEMENT
Ayon sa mga taga-industriya, nabulabog ang maraming bansa sa pagkalat ng COVID-19 Omicron variant kaya natigil ang biyahe na nagpahina ng demand sa langis.

Matatandaang may mga bansa na nagpatupad ng travel ban sa ilang bansa na may mga kaso na ng Omicron variant, na pinaniniwalaang mas nakakahawa kaysa sa Delta variant.

Pero sa ngayon, hindi pa masabi kung mas malubha ang inilalabas nitong mga sintomas sapagkat nagpapatuloy ang pagsusuri dito.

Pero para sa grupong Laban Konsyumer, dapat i-advance na ang bawas-presyo.

"Tayo po ay nananawagan sa mga oil companies na dahil ito po ay big time rollback ang mga tao ay puwede nang lumabas at mag-shopping na kung puwede nang i-advancce ang rollback," ani Laban Konsyumer chair Victor Dimagiba.

Sa kabila ng mga rollback, malaki pa rin ang net increase sa petrolyo mula umpisa ng taon. Dahil mas marami at malalaki ang oil price hike noong mga nakaraang buwan kaysa rollback.

-- Ulat ni Alvin Elchico, ABS-CBN News
Read More:
busina
oil price hike
gasolina
gaas
price patrol
TV Patrol
COVID-19 Omicron variant
COVID-19
coronavirus
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT