Presyo ng gasolina, kerosene tataas simula Nobyembre 15 | ABS-CBN

ABS-CBN Ball 2025:
|

ADVERTISEMENT

ABS-CBN Ball 2025:
|
dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Presyo ng gasolina, kerosene tataas simula Nobyembre 15

Presyo ng gasolina, kerosene tataas simula Nobyembre 15

ABS-CBN News

 | 

Updated Nov 14, 2022 08:50 PM PHT

Clipboard

Gasolinahan sa Pasig City, Oktubre 10, 2022. Mark Demayo, ABS-CBN News/File
Gasolinahan sa Pasig City, Oktubre 10, 2022. Mark Demayo, ABS-CBN News/File

(UPDATE) Magkakaroon ng pagtaas sa presyo ng gasolina at kerosene at bawas-presyo sa diesel simula Martes, Nobyembre 15, ayon sa mga kompanya ng langis.

Base sa abiso ng mga kompanya, narito ang ipatutupad nilang price adjustment:

Caltex (Alas-12:01 ng hatinggabi)
GASOLINA +P0.90/L
DIESEL -P0.30/L
KEROSENE +P1.35/L

Shell, Seaoil, Flying V (Alas-6 ng umaga)
GASOLINA +P0.90/L
DIESEL -P0.30/L
KEROSENE +P1.35/L

ADVERTISEMENT

Petro Gazz, Jetti Petroleum, PTT Philippines, Unioil (Alas-6 ng umaga)
GASOLINA +P0.90/L
DIESEL -P0.30/L

Cleanfuel (Alas-4:01 ng hapon)
GASOLINA +P0.90/L
DIESEL -P0.30/L

Watch more News on iWantTFC

Taas-baba ang presyuhan sa world market dahil sa iba-ibang factor gaya ng pagbaba ng demand sa China bunsod ng zero-COVID policy nito, at plano ng Organization of the Petroleum Exporting Countries (OPEC) Plus na magbawas ng produksiyon ng langis ngayong Nobyembre.

Sa kabuuan, malaki pa rin ang net increase mula umpisa ng 2022, lalo sa diesel na P36 kada litro, P18.15 sa gasolina at P29.95 sa kerosene.

Pero hindi gasolina o diesel ang pinakamahal ngayon sa Metro Manila kundi kerosene o gaas.

Kung nasa P81 hanggang P86 ang presyo ng pinakamahal na diesel at gasolina, aabot na sa higit P90 kada litro ang pinakamahal na presyo ng kerosene simula Martes.

Mga malalaking oil player lang ang karaniwang nagbebenta ng gaas, na ginagamit ng ilang vendor na nagbebenta ng pagkain.

Isinusulong naman ng ilang grupo na maipasa ang ilang panukalang batas para mapababa ang presyo ng langis.

Dahil sa Oil Deregulation Law, walang papel ang gobyerno sa presyuhan ng petrolyo dahil ibinabatay lang ito sa galaw ng imported fuel sa kalakalan sa Singapore.

— Ulat ni Alvin Elchico, ABS-CBN News

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.