Mango farmers ng Zambales, umaaray sa pinsala ng bagyong Ulysses | ABS-CBN

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Mango farmers ng Zambales, umaaray sa pinsala ng bagyong Ulysses

ABS-CBN News
Published Nov 13, 2020 10:43 PM PHT

PALAUIG, Zambales — Nasa mahigit 2,800 puno ng mangga ang napinsala sa lalawigang ito matapos ang pananalasa ng bagyong Ulysses.

Hinaing ng mga mango farmers, dapat sana'y pipitasin na nila ang mga bunga sa susunod na buwan pero naglaglagan na ang mga ito at hindi na mapakikinabangan.

"Sobrang lakas ng hangin, nalaglag lahat. Tapos may matira man dyan, puro gasgas na. Paano pa namin mabebenta nang maganda yung presyo. Luging lugi na talaga," ani Val Arangorin, mango farmer.

"Balik sa umpisa, kapital ulit, makikipagsapalaran para mabuhay," dagdag niya.

ADVERTISEMENT
Kada apat na buwan ang ani ng mangga sa Zambales.

Pero ang dapat sana'y aanihin sa Disyembre, na tinuturing na peak season, malaki na ang nawala.

Sa datos ng Zambales Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office (PDRRMO), 2,857 puno ng mangga ang pinatumba o napinsala ng bagyo, o katumbas ng P9.5 milyon.

Ang mga mangingisda naman sa Iba, halos isang buwang walang kita dahil sa sunod-sunod na bagyo. Ito ang dahilan kaya gusto na nilang muling makapalaot.

"Dati rati itong November kumikita na kami niyan... Pero ito ngayon wala, dito lahat daan ng bagyo, hinaing ni Fernando Pisco, mangingisda .

Patuloy naman umano ang paggawa ng paraan ng lalawigan para maitawid ang kabuhayan ng mga residente.

—Mula sa ulat ni Arra Perez, ABS-CBN News
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT