Higit P11 milyong pinsala sa agrikultura naitala sa Zambales dahil sa Ulysses

ABS-CBN News

Posted at Nov 13 2020 03:11 PM

Watch also in iWantTFC

ZAMBALES - Naitala ang higit P11 milyong pisong halaga ng pinsala sa agrikultura sa pananalasa ng bagyong Ulysses sa probinsiya. 

Ayon sa Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office ng Zambales, nasa P1.1 milyon ang halaga ng pinsala sa palay. 

Apektado sa bilang ang 403 magsasaka. 

Nasa mahigit P600,000 naman ang naitalang halaga ng pinsala sa mais kung saan apektado ang 50 magsasaka. 

Aabot naman sa 2,857 na punong mangga ang napatumba ng bagyo, na katumbas ng P9.5 milyon. 

-- Ulat ni Arra Perez, ABS-CBN News 

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.