PatrolPH

Oil-price hike na posibleng umabot ng P1.50/litro asahan sa Martes

ABS-CBN News

Posted at Oct 09 2021 07:43 PM

Watch more News on iWantTFC

MAYNILA—Namumuro ang dagdag-singil sa langis na posibleng umabot ng P1.50 kada litro sa susunod na linggo, ayon sa mga taga-industriya.

 Inaasahang taas-presyo sa petrolyo: 

  • Gasolina P1.30-P1.40/litro
  • Diesel P1.40-P1.50/litro
  • Kerosene P1.40-P1.50/litro

Maglalaro sa P1.30 hanggang P1.40 ang inaasahang taas-presyo ng gasolina, at P1.40 hanggang P1.50 dagdag-singil naman ang inaasahan sa kada litro ng diesel at kerosene.

Ito na ang ika-7 sunod na linggong may oil price hike. 

Paliwanag ng mga taga-industriya, maliit lang ang napagkasunduang dagdag-produksyon ng langis ng OPEC kaya malaki pa rin ang kakulangan ng suplay ng langis sa buong mundo. 

Kung hindi pa bahagyang lumakas ang palitan ng piso sa dolyar, masmalaki pa raw ang magiging dagdag-presyo sa susunod na linggo. 

Pupulungin naman ng Department of Energy ang oil companies sa Lunes para mapag-usapan kung ano ang magiging tulong sa mga motorista at mga pampublikong sasakyan. — Ulat ni Alvin Elchico, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.