Mga tsuper, carinderia owners umaaray sa October oil, LPG hike | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Mga tsuper, carinderia owners umaaray sa October oil, LPG hike

Mga tsuper, carinderia owners umaaray sa October oil, LPG hike

ABS-CBN News

 | 

Updated Oct 02, 2021 12:45 AM PHT

Clipboard

Jonathan Cellona, ABS-CBN News/File
Jonathan Cellona, ABS-CBN News/File

MAYNILA— Dumaraing ang mga jeepney driver at may-ari ng mga karinderya sa nagbabadyang taas-presyo sa LPG at gasolina.

"Pahirap po eh, sana pigilan nila ang mga pagtaas, ang lakas pa naman naming gumamit ng gasul," anang may-ari ng karinderya na si Ditas Macarasig.

Aabot sa P7.50 kada kilo ang inaasahang dagdag-presyo sa LPG sa mga susunod na araw.

Kasunod ng pakiusap ng gobyerno, hinati na sa P4 kada kilo ang aasahang dagdag ngayong araw, at lagpas P3 sa Oktubre 8.

ADVERTISEMENT

Pero ang kabuuang dagdag, aabot sa mahigit P80 sa kada 11 kilogramo na tangke.

Kabado naman ang tsuper ng jeep gaya ni Joseph Bacud sa inaasahang oil price hike sa susunod na linggo.

Watch more in iWantv or TFC.tv

"Magkano na diesel? Wala nang maiiwan sa amin sa diesel na lang pinupuntahan... Baka 'di na kami bibiyahe sayang pagod," ani Bacud.

Sa datos mula Lunes hanggang Huwebes, pumapalo na sa halos P2 ang iminahal ng imported na diesel at kerosene at P1.39 naman sa gasolina.

Limang magkakasunod na linggo nang may oil price hike.

Dahil dito, aapela na ang Department of Energy sa oil companies.

"Kukunsultahin natin ang oil players. Sila mag-decide kung staggered increase o magbibigay sila ng discount," ani DOE Director Rino Abad.

— Ulat ni Alvin Elchico, ABS-CBN News

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.