Magkakaroon ng malaking pagtaas sa presyo ng liquefied petroleum gas sa Oktubre.
Ayon sa Petron, magpapatupad sila ng P4 taas-presyo sa kada kilo ng LPG at P2.24 sa kada litro ng auto-LPG simula 12:01 ng hatinggabi ng Biyernes, Oktubre 1.
Sa Oktubre 8 naman, tataasan ulit nang Petron nang P3.40 ang kada kilo ng LPG at P1.90 ang kada litro ng auto-LPG.
Inaantabayanan pa ang anunsiyo ng ibang kompanyang nagbebenta ng LPG hinggil sa kanilang price adjustment.
Nauna nang nagsabi ang mga taga-industriya na malaki ang taas-presyo sa LPG sa Oktubre dahil nagmahal din ang international contract price nito.
Posible rin umanong sa Marso ng susunod na taon pa humupa ang presyo ng imported na LPG.
— May ulat ni Alvin Elchico, ABS-CBN News
Bisitahin ang
Patrol.PH para sa iba pang mga balita.