Malaking dagdag-presyo sa LPG nagbabadya sa Oktubre 1 | ABS-CBN

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Malaking dagdag-presyo sa LPG nagbabadya sa Oktubre 1

ABS-CBN News
Published Sep 28, 2021 04:13 PM PHT
|
Updated Sep 28, 2021 07:26 PM PHT

Malaki ang inaasahang dagdag sa presyo ng liquefied petroleum gas (LPG) sa Biyernes, Oktubre 1.

Tinatayang nasa P5 hanggang P6 ang magiging dagdag-presyo sa kada kilo ng LPG o P55 hanggang P66 sa kada regular na tangke.

Sa ngayon kasi, nasa $108 ang iminahal ng international contract price ng LPG, pinakamataas sa loob nang 5 taon.

"It's really bad news but wala tayong control kasi imported 'yan," sabi ni Arnel Ty, president ng Regasco na nagbebenta ng LPG.

ADVERTISEMENT
Posible rin umanong sa Marso ng susunod na taon pa humupa ang presyo ng imported na LPG.

Nakatakda namang pulungin ng Department of Energy ang mga LPG manufacturer para hilingin kung maaaring hati-hatiin ang dagdag-presyo para hindi makasakit sa mga konsumer.

Samantala, nagpatupad naman ngayong Martes ang mga oil company ng taas-presyo sa produktong petrolyo, ang ikalimang linggong sunod na oil price hike.

Mula Agosto 31, umabot na sa P3.60 ang kabuuang iminahal ng presyo ng kada litro ng diesel habang P2.65 naman sa gasolina at P3.25 sa kerosene.

Bukod sa paghina ng piso kontra dolyar, paghina ng supply ng langis sa world market ang nakikita ring sanhi ng taas-presyo ngayong linggo.

— Ulat ni Alvin Elchico, ABS-CBN News
Read More:
PatrolPH
Tagalog news
LPG
liquefied petroleum gas
konsumer
busina
LPG price
LPG price hike
petrolyo
langis
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT