PatrolPH

Oil-price hike na posibleng umabot ng P2/litro namumuro sa Martes

ABS-CBN News

Posted at Oct 02 2021 05:16 PM

MAYNILA—Namumuro ang oil-price hike na posibleng umabot ng P2 kada litro sa susunod na linggo, ayon sa mga taga-industriya.

 Inaasahang taas-presyo sa petrolyo: 

  • Gasolina P1.45-P1.55/litro
  • Diesel P1.95-P2.05/litro
  • Kerosene P1.90-P2/litro

Ang gasolina, magkakaroon ng taas-presyo ng P1.45 hanggang P1.55 kada litro. 

Ang diesel naman, posibleng magkaroon ng P1.95 hanggang P2.05 kada litrong taas-presyo. 

Habang ang kerosene naman, magkakaroon ng P1.90 hanggang P2 kada litrong taas-presyo. 

Nitong Oktubre lang ay sinabing magkakaroon din ng dagdag-presyo sa kada kilo ng LPG. 

-- Ulat ni Alvin Elchico, ABS-CBN News

 Kaugnay na video: 

Watch more News on iWantTFC
Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.