Oil companies nag-anunsiyo ng taas-presyo simula Setyembre 7 | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Oil companies nag-anunsiyo ng taas-presyo simula Setyembre 7

Oil companies nag-anunsiyo ng taas-presyo simula Setyembre 7

ABS-CBN News

Clipboard

May ika-2 sunod na oil price hike na sasalubong sa mga motorista sa Martes, anunsiyo ng ilang oil price companies.

Ang Shell at Seaoil, magkakaroon ng P0.50 kada litrong taas-presyo sa gasolina, P0.60 taas-presyo sa kada litro ng kerosene, at P0.95 taas-presyo sa kada litro ng diesel na aarangkada alas-6 ng umaga ng Martes.

Ang Caltex naman ay magkakaroon ng P0.50 taas-presyo sa platinum at silver fuel; P0.95 kada litrong taas-presyo sa diesel at P0.60 kada litrong taas-presyo sa kerosene pagdating ng alas-12:01 ng madaling araw ng Martes.

Magkakaroon naman ng P0.95 pagtaas sa presyo ng kada litro ng diesel at P0.50 kada litrong taas-presyo sa gasolina ang Petro Gazz at Cleanfuel.

ADVERTISEMENT

Nauna nang ipinaliwanag na epekto ito ng hurricane na tumama sa ilang lugar sa Estados Unidos, na nagresulta sa paghina ng suplay dahil nasapul ng matinding pagbaha at hangin ang ilang oil refinery.

-- Ulat ni Alvin Elchico, ABS-CBN News

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.