Presyo ng petrolyo may rollback sa Agosto 24 | ABS-CBN
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Presyo ng petrolyo may rollback sa Agosto 24

ABS-CBN News
Published Aug 23, 2021 12:15 PM PHT
|
Updated Aug 23, 2021 06:49 PM PHT

(UPDATE) Muling magkakaroon ng bawas sa presyo ng produktong petrolyo sa Martes, Agosto 24.

Ayon sa Shell, Cleanfuel, Caltex, Seaoil, Petro Gazz, Total, PTT Philippines, Petron at Flying V, P0.80 ang iro-rollback sa presyo ng kada litro ng kanilang gasolina habang P0.75 naman ang itatapyas sa kada litro ng diesel.

Nag-abiso rin ang Shell, Caltex, Seaoil, Petron at Flying V na babawasan nila nang P0.90 ang kada litro ng kanilang kerosene.

Epektibo ang mga bagong presyo alas-6 ng umaga maliban sa Caltex na mag-a-adjust alas-12:01 ng hatinggabi at Cleanfuel na magpapatupad alas-8:01 ng umaga.

Ito ang ikalawang sunod na linggong nagkaroon ng bawas sa presyo ng petrolyo. Noong nakaraang linggo, nag-rollback sa presyo ng diesel at kerosene habang wala namang galaw ang presyo ng gasolina.

— Ulat ni Alvin Elchico, ABS-CBN News
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT