(UPDATE) Magkakaroon ng bawas sa presyo ng diesel at kerosene sa Martes, Agosto 17, sabi ngayong Lunes ng mga kompanya ng langis.
Ayon sa Shell, Cleanfuel, Petro Gazz, Seaoil, Caltex, PTT Philippines, Petron, Total, Flying V at Phoenix Petroleum, tatapyasan nila nang P0.30 ang presyo ng kada litro ng diesel.
Wala namang galaw sa presyo ng gasolina.
Babawasan din ng Shell, Seaoil, Caltex, Petron at Flying V ng P0.40 ang presyo ng kada litro ng kerosene.
Epektibo ang mga bagong presyo alas-6 ng umaga maliban sa Caltex na maga-adjust alas-12:01 ng hatinggabi at Cleanfuel na magpapatupad alas-8:01 ng umaga.
— Ulat ni Alvin Elchico, ABS-CBN News
FROM THE ARCHIVES
Bisitahin ang
Patrol.PH para sa iba pang mga balita.