Dapat nga bang mag-alala tungkol sa utang ng bansa? | ABS-CBN
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Dapat nga bang mag-alala tungkol sa utang ng bansa?

ABS-CBN News
Published Aug 16, 2023 03:54 PM PHT
|
Updated Aug 16, 2023 04:16 PM PHT

MANILA -- Nitong Martes, lumabas sa pagdinig ng Kamara na kailangan umutang ng Pilipinas ng P4 bilyon kada araw para matutusan ang gastusin ng pamahalaan.

Sa isang kaugnay na pagdinig sa Senado, binaggit din ni National Treasurer Rosalia de Leon na maaaring umabot asa P15.8 trilyon ang utang na bansa sa pagtatapos ng 2024.

Binanggit ni Senador Ronald "Bato" dela Rosa na hindi dapat mataranta ang mga Pilipino tungkol sa nasabing utang.

Pero dapat nga ba itong ipag-alaala ng mga Pilipino?
Pero dapat nga ba itong ipag-alaala ng mga Pilipino?
ADVERTISEMENT
Sa isang panayam sa TeleRadyo Serbisyo, sinabi ni Dr. Alvin Ang, pinuno ng Ateneo de Manila University Department of Economics, na importante sa pag-uutang ay ang pagkakaroon ng kakayahan na bayaran ito.

"So kung titingnan naman po sa proposed budget, eh halos 12-13 percent ay ibabayad sa utang, so ibig sabihin, kung malaki ang utang mo, ganoon lang ang nababayad mo, ay matagal ang bayaran niya," aniya.

Ayon kay Ang, maraming stratehiyang maaaring ipatupad ang pamahalaan para pababain ang utang ng bansa, lalo't hindi ito ang unang pagkakataon na malaking bahagi ng budget ang inilalaan sa pagbabayad ng utang.

Nasa higit 60 porsiyento ang debt-to-gross domestic product ratio ng bansa.

"Hindi lang naman tayo ngayon nakabaabot sa sitwasyon na mahigit sa 60 porsiyento gn ating ekonomiya ay utang, kasi kung babalikan natin, even nung panahon ng '80s, ang unang Marcos administration, ganoon din naman ang utang," kuwento niya.

"Pero gradually naibaba natin. So ibig sabihin, may kakayahan tayong gawin yung pagpapababa. Ang kaso, ang konteksto kasi is, iba na yung global environment," aniya.

"Paano mo mababayaran kung wala kang other sources of income na mas malaki ang kikitain mo doon sa inuutang mo?" tanong ng ekonomista.

"Kailangan, ang stratehiya siguro...palaguin mo ang ekonomiya...kung di ka masyadong umuutang, lumiliit din yun, yung total debt," ani Ang.

Ayon kay Ang, dapat ay mas mabilis ang pagalgo ng pambansang ekonomiya kaysa sa utang nito.

"So kailangan, meron tayong iba-ibang sources ng paglago ng ekonomiya, para yung utang ay 'di na lumaki," paliwanag niya.

Bumagal ang pagalgo ng ekonomiya ng Pilipinas sa 4.3 prosiyento mula Abril hanggang Hulyo 2023.

Naniniwala ang mga economic managers na kaya pa ring abutin ang target na paglago ng ekonomiya na 6-7 prosiyento sa kabuuan ng 2023.

Lumobo sa P14.15 trilyon ang utang ng pamahalaan nitong Hulyo.

RELATED STORY:
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT