PatrolPH

Presyo ng school supplies sa Divisoria patuloy na tumataas

Larize Lee, ABS-CBN News

Posted at Aug 09 2022 01:23 PM

Watch more News on iWantTFC

Patuloy ang pagtaas ng presyo ng school supplies sa Divisoria, Maynila, ilang linggo bago ang pagbubukas ng klase sa mga pampublikong paaralan.

Ang spiral notebook, halimbawa, naglalaro na ngayon sa P140 hanggang P150 mula sa dating P120, habang ang notebook na tahi naman ay umakyat sa P140 mula P130.

Nasa P85 naman na ang presyo ng isang box ng pencil mula, P75 habang tumaas sa P75 ang presyo ng crayons muna P65.

Naglalaro sa P75 hanggang P85 ang presyo ng pencil case mula P50.

Pumalo naman sa P160 hanggang P170 ang bond paper mula P145.

Wala namang pagtaas sa presyo ng mga school bag.

Nauna nang sinabi ni Trade Secretary Alfredo Pascual na plano ng kaniyang ahensiyang magpatupad ng panibagong suggested retail price para sa school supplies.

Umapela na rin ang Department of Education sa pribadong sektor na mag-donate ng school supplies sa mga paaralan at kapos na estudyante sa pamamagitan ng Brigada Eskwela.

Nakatakdang mag-umpisa ang School Year 2022-2023 sa Agosto 22.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.