Presyo ng bigas posibleng sa Nobyembre o Disyembre pa bumaba: grupo | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Presyo ng bigas posibleng sa Nobyembre o Disyembre pa bumaba: grupo

Presyo ng bigas posibleng sa Nobyembre o Disyembre pa bumaba: grupo

ABS-CBN News

 | 

Updated Jul 09, 2023 06:05 PM PHT

Clipboard

Watch more News on iWantTFC

Posibleng sa dulo ng taon pa magsimulang bumaba ang presyo ng bigas sa merkado, sabi ng isang agricultural group.

Ayon kay Samahang Industriya ng Magsasaka Chairman Rosendo So, posibleng sa Nobyembre o Disyembre pa mag-umpisa bumaba ang presyo ng bigas.

"Ngayon mataas ang presyo ng palay kasi wala tayong harvest. Nagtatanim pa ang mga magsasaka natin," ani So.

Sa ngayon, pumapalo pa rin sa P40 kada kilo ang presyo ng pinakamurang presyo ng bigas sa ilang pamilihan sa Metro Manila, gaya ng Kamuning Public Market sa Quezon City.

ADVERTISEMENT

Simula sa Lunes, Hulyo 10, magbebenta naman ang non-government organization na Philippine Rice Industry Stakeholders Movement ng P38 kada kilo na bigas sa buong bansa.

Kahit mura, well milled umano ang naturang bigas.

Makikipag-partner umano ang grupo sa Kadiwa Market at iba pang selling channels tulad ng rice mills, rice traders, mga barangay at local government unit.

"Sa P38 po, ito po ay subsidy na po namin at gusto po namin itong itawid hanggang po magkaroon po tayo ng harvest time pagdating po ng October," ani Grains Retailers' Confederation of the Philippines Inc. spokesperson Orlando Manuntag.

"Hindi po ito sustainable na throughout the season po ay ipagkakaloob po namin 'yon. Depende po ito sa supply and demand at magkano po ang presyuhan po namin ng palay po sa bawat probinsya po as per harvest season," ani Manuntag.

Sa Bulacan, magkakaroon naman ng rice caravan para puntahan ang mga mahihirap.

"'Yon po siguro na mga kababayan natin na mayayaman ay huwag naman po sana na mag-avail pa rin at saka hindi po namin mapapayagan ang ganon kasi po kami mismo sa Bulacan group, kami po mismo ang magtitinda kaya alam namin," ani Marion Tolentino, miyembro ng Philippine Rice Industry Stakeholders Movement.

Samantala, base sa price update sa ilang palengke sa Metro Manila mula Department of Agriculture, nasa P190 na ang presyo ng manok.

Pumapalo naman umano sa P300 kada kilo ang baboy, P140 ang tilapia, P240 ang galunggong, P160 hanggang P170 ang pulang sibuyas, at P90 ang asukal.

— Ulat ni Michael Delizo, ABS-CBN News

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.