Mga konsumer umaaray sa taas-presyo ng bigas | ABS-CBN

ABS-CBN Ball 2025:
|

ADVERTISEMENT

ABS-CBN Ball 2025:
|
dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Mga konsumer umaaray sa taas-presyo ng bigas

Mga konsumer umaaray sa taas-presyo ng bigas

ABS-CBN News

Clipboard

Umaaray ang mga konsumer dahil sa patuloy na pagtaas ng presyo ng bigas.

Sa Murphy Market sa Cubao City, nasa P40 na ang kada kilo ng pinakamurang bigas -- doble sa ipinangakong P20 bigas ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.

"Lahat naman tayo gusto natin ng mura, pero wala naman tayo magagawa kung ganon talaga, tumataas lahat eh," ayon kay Von Ocbeña.

Kuwento naman ng mga may-ari ng karinderya sa Litex Public Market, hindi maganda ang kalidad ng P40 na bigas na binibili raw nila doon kaya mas gusto nilang bilhin ang nasa P46 kada kilo.

ADVERTISEMENT

"Masarap naman siya, binibili naman nila kaysa mura, ayaw naman nila kagaya nila pag di masarap kanin mo, di nila nagugustuhan," ayon sa may-ari ng karinderya na si Roderick Javier.

Pinilahan naman ang Kadiwa stores na limitadong nagbebenta ng P25 kada kilong bigas. Apat na kilo lang ang puwedeng bilhin pero agad na itong nauubos.

Una nang sinabi ng Masagana Rice Industry ng Department of Agriculture na ang pagtaas ng presyo ng bigas ay dahil sa mataas na presyo ng produksyon ng palay sa Pilipinas at sa ibang bansa.

Bukod pa dito, kasama rin sa dahilan ang pagpapatuyo ng palay ngayong tag-ulan.

-- Ulat ni Jervis Manahan, ABS-CBN News

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.