Mga nagde-deliver ng gulay sa Metro Manila, dismayado sa taas-singil sa NLEX toll | ABS-CBN

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Mga nagde-deliver ng gulay sa Metro Manila, dismayado sa taas-singil sa NLEX toll

Andrea Taguines,
ABS-CBN News
Published Jun 11, 2023 01:26 PM PHT

Dismayado ang mga nagde-deliver ng gulay sa Metro Manila dahil sa nalalapit na pagtaas ng singil sa toll sa North Luzon Expressway (NLEX).

Simula Hunyo 15, madadagdagan nang hindi bababa sa P7 ang toll fee ng mga sasakyang dumadaan sa open system ng NLEX o mula Metro Manila hanggang Marilao, Bulacan.

Nasa P33 naman ang dagdag para sa mga Class 1 vehicle na bibiyahe hanggang dulo ng NLEX sa Mabalacat, Pampanga at P81 kung Class 2 vechicle.

Ayon kay Louie Sarmiento, na nagbabagsak ng gulay mula Bulacan sa Balintawak Market sa Quezon City, dagdag-pasakit para sa mga tulad niyang biyahero ang taas-singil.

ADVERTISEMENT
Hindi kasi umano nila agad maipapasa ang gastos sa kanilang mga kliyente.

"Kami munang mga may-ari ng sasakyan ang magdudusa. Kami ang papasan sa dagdag-toll fee," sabi ni Sarmiento.

"'Pag hindi na namin makaya saka kami hihirit sa mga sakay namin na kung puwede, puwedena kaming magtaas kaunti para mabawi-bawi namin 'yong dagdag gastos," dagdag niya.

Para naman kay Carlito Castillo, na galing pang Pangasinan ang dalang gulay, posibleng mauwi ito sa taas-presyo ng gulay sa mga palengke sa Metro Manila.

"Kawawa 'yong mga mamimili naman 'pag ganoon," aniya.

Hiling ng mga biyahero na huwag nang ituloy ang pagtaas ng toll fee o kaya'y huwag masyadong lakihan ang dagdag-singil.