Mga maliliit na negosyo pinakasapul na sektor ng pandemya: pag-aaral | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Mga maliliit na negosyo pinakasapul na sektor ng pandemya: pag-aaral

Mga maliliit na negosyo pinakasapul na sektor ng pandemya: pag-aaral

ABS-CBN News

 | 

Updated Apr 11, 2021 06:24 PM PHT

Clipboard

Watch more in iWantv or TFC.tv

Higit isang taon nang abonado si Albert Salvador sa pagpapatakbo ng kaniyang travel agency at spa sa Quezon City.

Sa ilalim ng pabalik-balik na mga quarantine measure, pinipilit niyang hindi magsara nang tuluyan alang-alang sa kaniyang mga empleyado.

"'Di pa kami makapag-operate. Pero 'yong offices namin tuloy-tuloy pa rin. Iyong mga binabayaran namin na mga renta, tapos sa government taxes din, loans ng employees namin, lahat 'yon, kami muna ang nagsho-shoulder kasi wala naman din income ang employees namin," sabi ni Salvador.

Nakautang man sila sa tulong ng Department of Tourism para sa travel agency, wala naman siyang makuhanan ng loan para sa spa business.

ADVERTISEMENT

"Wala pong nag-reach out para kumustahin kami, kumustahin 'yong naging sitwasyon namin sa spa," ani Salvador.

Sa pag-aaral na ginawa ng University of the Philippines Center for Integrative Developmental Studies (UP CIDS), lumalabas na ang mga micro, small and medium enterprises (MSMEs) ang pinakaapektado ng pandemya, kung saan kabilang ang mga tulad ni Salvador.

Ngayong isa-isa nang nagsasara ang mga maliliit na negosyo, napakahalagang matulungan ng gobyerno ang ibang pinipilit na manatiling bukas dahil sila ang susi para makabangon ang ekonomiya, ayon sa UP CIDS.

"The COVID only took 6 months to wipe out all the major gains that were achieved by that sector during the past decades. And if ever there will be a rebound in the economy, this will come from the MSME," sabi ni Rolando Diaz, propesor sa UP CIDS.

"It's best to keep them afloat, otherwise there will be no engine for which the rebound will come from," sabi niya.

Nasa 99.52 porsiyento ng mga business establihsment sa mga bansa ay MSMEs, habang 63.19 porsiyento ng employment sa bansa ay galing sa sektor na iyon, base sa datos ng Philippine Statistics Authority noong 2018.

Sakop ng MSMEs ang mga industriya ng hotel at accommodation, theater at movies, travel and tours, public transportation, restaurant, at creative arts.

Ayon sa UP CIDS, tinatayang nasa P86 bilyon ang kinakailangan para manatiling buhay ang sektor ng MSMEs.

Sa ilalm ng Bayanihan to Recover As One Act, nasa 29 porsiyento o P39 bilyon ang nakalaan para sa recovery ng sektor.

Iminungkahi ni Diaz na gumawa ang gobyerno ng 3 phases ng intervention na ibibigay sa MSMEs sa lalong madaling anahon at magtatagal hanggang sa makabalik sa normal ang kanilang mga operasyon.

Ayon naman sa Department of Finance, may nakahandang pondo ang gobyerno para sa vulnerable groups tulad ng MSMEs.

Pero ang inaaray ng mga nasa ibaba ay walang gumagabay sa kanila at hindi madaling makuha ang mga benepisyo.

"Tulungan sana kami ng government kung magkakaroon sana ng mga discount sa mga taxes na binabayaran namin, lalo na sa mga permits," ani Salvador.

"Kung mapapadali nila 'yong proseso ng paglo-loan at saka kung makakapag-allocate sila ng mas malaking pondo, sana lalo na sa mga MSMEs kasi kailangan namin ng tulong," dagdag niya.

Malaking bagay ding makaluwag sa mga renta ang mga negosyo, kaya't maaari ring bigyan ng tax rebates ang mga lessor na tutulong sa kanilang lessee.

-- Ulat ni Isay Reyes, ABS-CBN News

RELATED VIDEO:

Watch more in iWantv or TFC.tv

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.