Mga maliliit na negosyo sapul ng balik-ECQ | ABS-CBN
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Mga maliliit na negosyo sapul ng balik-ECQ

ABS-CBN News
Published Mar 29, 2021 07:52 PM PHT

Bago magtanghali nitong Lunes, unang araw ng enhanced community quarantine (ECQ) sa Metro Manila, puno pa rin ng tinapay ang mga estante sa bakery ni Daniel Peñaflor sa Taguig City.

Sa katabi namang tindahan, halos wala pa ring bawas ang binebentang sa malamig.

"Hindi na po masyado mabenta ngayon simula noong lockdown po, matumal na po benta ng tinapay," ani Peñaflor.

Tingin naman ng tricycle driver na si Edison Ramasta, hindi na aabot sa P200 ang kikitain niya nitong Lunes.
Tingin naman ng tricycle driver na si Edison Ramasta, hindi na aabot sa P200 ang kikitain niya nitong Lunes.
ADVERTISEMENT
"Mas kumaunti ang pasahero namin kaya hirap din kaming mga driver. Hirap na hirap. Wala kaming choice," ani Ramasta.

Ilang lokal na pamahalaan ang namahagi ngayong Lunes ng ayuda para para maalalayan ang mga residenteng apektado ng ECQ, na ipinatupad upang makontrol ang pagkalat ng COVID-19.

Sa Taguig, food pack at hygiene kits ang ibinigay sa mga residente.

May libreng sakay rin para sa health workers.

Namigay rin ng food packs sa Pateros para sa mga pamilya ng mga na-expose sa may COVID-19.

Ipatutupad din ang quarantine pass sa Pateros, na ayon kay Mayor Miguel Ponce III ay ipamimigay ng mga tauhan ng barangay.

Odd-even din ang biyahe ng mga tricycle sa Pateros.

Tig-3 araw maaaring bumiyahe ang mga plakang ending sa odd at even numbers, at paghahatian na lang ang Linggo.

Sa Malabon, ipinasara ng lokal na pamahalaan ang ilang non-essential establishment na nag-operate kahit hindi exempted sa ECQ.

Sa Pasay, naka-schedule naman ang pamamalengke.

Nagpadala rin ng relief baskets sa COVID-19 patients at kanilang pamilya.

Gagamitin din sa lungsod ang quarantine pass.

Nangako naman ang lokal na pamahalaan ng Maynila na muling mamamahagi ng food box.

Muli ring ipatutupad ang quarantine pass sa Maynila.

Tatagal hanggang Abril 4 ang ECQ, na bukod sa Kamaynilaan ay ipinatupad din sa Bulacan, Cavite, Laguna at Rizal.

-- Ulat ni Ina Reformina, ABS-CBN News
Read More:
PatrolPH
Tagalog news
hanapbuhay
small business
small businesses
NCR Plus ECQ
enhanced community quarantine
Metro Manila
Taguig
Pateros
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT