Presyo ng de-latang karne, nakaambang tumaas ng higit P1 | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Presyo ng de-latang karne, nakaambang tumaas ng higit P1

Presyo ng de-latang karne, nakaambang tumaas ng higit P1

ABS-CBN News

 | 

Updated Jan 07, 2020 04:36 PM PHT

Clipboard

Watch more in iWantv or TFC.tv

Nag-abiso ang mga manufacturer ng de-latang karne na magkakaroon ng higit P1 dagdag sa presyo ng kanilang mga produkto, bunsod ng pagmahal ng raw materials at reporma sa buwis.

Ito ay sa gitna ng pulong ng National Price Coordinating Council na idinaos nitong Martes.

"It's something that we cannot tolerate kung masyado namang magkakalugi-lugi," ani Francisco Buencamino, executive director ng Philippine Association of Meat Processors.

Pagkatapos ng Holy Week hihirit ng dagdag ang mga gumagawa ng de-latang karne.

ADVERTISEMENT

Pero ayon sa Department of Trade and Industry (DTI), nasa P0.36 hanggang P0.50 lang ang dapat na dagdag-singil.

Nasa P1 kada lata naman ang hirit na dagdag sa presyo ng mga sardinas.

Sa pangkalahatan, ayon kay Trade Secretary Ramon Lopez, stable pa rin ang presyo ng mga bilihin sa kabila ng epekto ng reporma sa buwis at paghina ng piso.

Tinalakay rin sa pulong ang panukalang paglalagay ng suggested retail price (SRP) sa commercial rice, na isinusulong matapos itong magmahal dahil sa kakulangan ng NFA rice.

Ayon kay Lopez, pag-aaralan pa ito ng Department of Agriculture at mga economic manager dahil mahirap umanong lagyan ng SRP ang bigas.

"Kung titingnan mo, basta agriculture products, it really moves eh, so mahirap maglagay ng SRP. It's usually market-driven," ani Lopez.

Umalma naman ang ilang konsumer tulad ni Marvin Alicante, isang construction worker, dahil sa pagmahal ng bigas.

Nasa P41 na ang binibiling bigas ni Alicante samantalang noong nakaraang linggo ay nasa P38 lang umano ito kada kilo.

"Sa mga consumer, mahirap kasi bawat bilihin, tumataas pero iyong kinikita ng tao, ganoon pa rin naman," aniya.

-- Ulat ni Alvin Elchico, ABS-CBN News

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.