Presyo ng sardinas, nagbabadyang tumaas ng P1 kada lata | ABS-CBN

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Presyo ng sardinas, nagbabadyang tumaas ng P1 kada lata

ABS-CBN News
Published Mar 05, 2018 07:30 PM PHT
|
Updated Jan 03, 2020 05:36 PM PHT

May napipintong pagmahal sa presyo ng sardinas pero hindi umano ito dapat lumagpas sa piso kada lata, ayon sa Department of Trade and Industry (DTI).

"Increase can't be higher than one peso... Anything beyond that will be excessive," sabi ni Trade Undersecretary Ruth Castelo.

Kasama na umano sa pisong dagdag ang pagmahal ng lata, paghina ng piso, at epekto ng reporma sa buwis.

"If ever na mag-increase sila, halimbawa ng piso, we'll ask them to impose it on a staggering basis," dagdag ni Castelo.

ADVERTISEMENT
Nilinaw din ng DTI na wala pang nag-aabiso ng dagdag-presyo sa sardinas bunsod ng pagmahal ng lata o langis na ginagamit sa panghuli ng isda.

Pasok ang tantiya ng DTI sa anunsiyo ng Canned Sardines Association of the Philippines (CSAP) na hanggang piso lang ang dagdag-presyo sa sardinas at pinag-aaralan na ang pag-utay-utay nito.

"We stand by our earlier statement that canned sardine prices will only increase by P1/tin or 7%. Most of the players are even considering a staggered increase than a one time blow," sabi ni CSAP president Cezar Onjie Cruz sa isang pahayag.

Presyo ng sardinas at iba pang pangunahing bilihin din ang magiging usapan sa pulong ng National Price Coordinating Council sa Martes.

Pag-uusapan din sa pulong kung dapat bang lagyan ng suggested retail price o SRP ang nagmamahal na bigas.

Oil price hike
Samantala, nag-anunsiyo naman ang ilang kompanya ng langis na magkakaroon ng taas sa presyo ng produktong petrolyo.

Nasa P0.50 ang dagdag sa kada litro ng gasolina, P0.30 sa diesel, at P0.80 naman sa kerosene.

Ito ang ikalawang sunod na linggong nagkaroon ng dagdag sa presyo ng petrolyo.

-- Ulat ni Alvin Elchico, ABS-CBN News
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT