Malakihang oil price hike nakaamba sa susunod na linggo | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Malakihang oil price hike nakaamba sa susunod na linggo

Malakihang oil price hike nakaamba sa susunod na linggo

ABS-CBN News

Clipboard

Nagpapakarga ng gasolina ang isang motorista sa Quezon City noong Pebrero 26, bago pa tumaas ang presyo nito. George Calvelo, ABS-CBN News
Nagpapakarga ng gasolina ang isang motorista sa Quezon City noong Pebrero 26, bago pa tumaas ang presyo nito. George Calvelo, ABS-CBN News

MAYNILA - Inaasahan ang mas big-time pa na oil price hike sa susunod na linggo, ayon sa mga taga-industriya, sa harap ng epekto ng krisis sa Ukraine sa presyo ng petrolyo.

Base sa unang 4 araw ng trading, nasa P4.50 na ang inaasahang taas-presyo sa diesel habang P3.39 naman sa gasolina, at P3.39 sa kerosene.

Dahil sa serye ng mga oil price hike, umaabot na sa mahigit P11 ang iminahal ng diesel, halos P10 sa gasolina at lagpas P10 sa kerosene.

Ipinatawag na rin ng Department of Energy ang oil companies para masigurong may sapat na suplay ng petrolyo sakaling humaba pa ang giyera sa Ukraine.

ADVERTISEMENT

Sa pagtaas ng presyo ng langis, pinapangambahan na tataas din ang presyo ng mga bilihin, pero tiniyak ng Department of Trade and Industry na hindi ito agad mararamdaman ng mga konsumer.

Siyam na beses nang nagkaroon ng taas-presyo sa langis, na hindi pa nagkakaroon ng rollback nang magsimula ang taon.

-- Ulat ni Alvin Elchico, ABS-CBN News

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.