Ilan pang kompanya ng langis nag-abiso ng taas-presyo | ABS-CBN

ABS-CBN Ball 2025:
|

ADVERTISEMENT

ABS-CBN Ball 2025:
|
dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Ilan pang kompanya ng langis nag-abiso ng taas-presyo

Ilan pang kompanya ng langis nag-abiso ng taas-presyo

ABS-CBN News

 | 

Updated Feb 18, 2019 07:49 PM PHT

Clipboard

Watch more in iWantv or TFC.tv

Transport group humirit ng taas-pasahe sa jeep

(UPDATED) Ilan pang kompanya ng langis ang nag-anunsiyo ngayong Lunes ng pagpapatupad ng taas-presyo sa kanilang mga produkto simula Martes, Pebrero 19.

Ayon sa SEAOIL, Flying V, Phoenix Petroleum, Eastern Petroleum, Caltex, Jetti Pump, Petron, at TOTAL, P0.70 ang kanilang idadagdag sa presyo ng kada litro ng gasolina at diesel.

Magpapatupad din ang SEAOIL, Caltex, at Flying V ng P0.35 taas-presyo sa kada litro ng kerosene.

Nauna nang mag-anunsiyo ang Shell, PTT Philippines, Petron at Petro Gazz ng P0.70 taas-presyo sa gasolina at diesel simula rin sa Martes.

ADVERTISEMENT

May P0.35 taas-presyo rin ang Shell sa kada litro ng kerosene.

Ipatutupad ng mga kompanya ang mga bagong presyo simula alas-6 ng umaga maliban sa Caltex na magpapatupad sa hatinggabi.

Dahil hindi kontrolado ng gobyerno ang pagtaas ng presyo ng langis sa pandaigdigang merkado, pinayuhan ng Department of Energy ang mga pribadong motorista na maging wais dahil iba-iba naman daw ang mga presyo sa mga gasolinahan.

"Tingnan maigi saan ‘yong mga gasolinahan na mas mababa iyong presyo doon sa ruta natin," ani Energy Undersecretary Felix William Fuentebella.

TAAS-PASAHE HINIRIT ULIT

Sumulat naman ang 1-Utak, isang grupo ng mga jeepney operator, sa Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) para hilingin na ibalik sa P10 ang minimum na pasahe sa jeep bunsod umano ng taas-presyo sa langis.

ADVERTISEMENT

Itinaas noong Nobyembre sa P10 ang minimum na pasahe sa mga jeep na pumapasada sa Metro Manila, Central Luzon, Mimaropa, at Calabarzon bunsod ng serye ng taas-presyo sa langis.

Pero ibinaba ulit ito sa P9 noong Disyembre matapos ang sunod-sunod na pagtapyas sa presyo ng petrolyo noon.

May iba pang transport groups ang nauna nang umapela na ibalik sa P10 ang minimum na pasahe sa jeep.

Ayon naman kay Pasang Masda President Roberto "Obet" Martin, hindi na kailangan ng sulat o hearing para ibalik sa P10 ang pasahe.

"There is no need for us to file a letter, position paper... mag-issue na lang po kayo ng provisional... na taas pamasahe," ani Martin.

ADVERTISEMENT

Pero ayon sa LTFRB, kailangan munang tumuntong ulit sa higit P46 kada litro ang diesel bago nila aksiyonan ang hirit na itaas ulit ang minimum na pasahe.

Sa ngayon, naglalaro sa P39 hanggang lagpas P44 ang ordinaryong diesel. Nasa P41 hanggang P47 naman ang kada litro ng mahal na klase ng diesel.

-- May ulat ni Alvin Elchico, ABS-CBN News

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.