ALAMIN: Taas-presyo sa petrolyo sa Martes

ABS-CBN News

Nag-anunsiyo ang ilang kompanya ng langis na magkakaroon ng pagtaas ang presyo ng kanilang mga produkto simula Martes, Pebrero 19.

Magkakaroon ng P0.70 taas-presyo sa kada litro ng gasolina at diesel ang Shell, PTT Philippines at Petro Gazz.

Magpapatupad din ang Shell ng P0.35 taas-presyo sa kada litro ng kerosene.

Epektibo ang bagong presyo ng mga kompanya simula alas-6 ng umaga.

-- Ulat ni Alvin Elchico, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.