PUV, TNVS drivers bibigyan ng fuel cards dahil sa serye ng oil price hike | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

PUV, TNVS drivers bibigyan ng fuel cards dahil sa serye ng oil price hike

PUV, TNVS drivers bibigyan ng fuel cards dahil sa serye ng oil price hike

ABS-CBN News

 | 

Updated Feb 15, 2022 07:09 PM PHT

Clipboard

Watch more in iWantv or TFC.tv

Bibigyan ng pamahalaan ng ayudang fuel cards ang mga tsuper ng mga pampublikong sasakyan at transport network vehicle service (TNVS) dahil sa serye ng pagtaas sa presyo ng petrolyo.

Ayon sa Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB), kasama sa mga mabibigyan ng ayuda sa Marso ang mga driver ng tricyle, jeepney, bus, taxi, TNVS vehicle, at mga delivery rider.

Nationwide umano ang programa pero kailangan pang i-coordinate sa Department of Trade and Industry at mga local government unit dahil hindi lahat ng mga driver sa listahan ay nasa ilalim ng LTFRB.

Nasa P6,500 ang matatanggap kada unit at tinatayang nasa 377,433 ang kabuuang bilang ng mga benepisyaryo, ani LTFRB Executive Director Tina Cassion.

ADVERTISEMENT

Pero para sa jeepney driver groups, dapat ibigay muna ang hirit nilang ibalik sa P10 ang minimum na pasahe sa mga jeep para makaagapay sa mga tsuper.

Ayin kay Passion, hindi isinasara ng LTFRB ang pinto para sa fare increase pero "kailangan lang talagang balansehin ang lahat."

Nangalampag naman ang grupong Bayan Muna sa LTFRB kung naibigay na ang lahat ng naunang fuel subsidy sa jeepney drivers at kung sapat na ito.

Ayon naman sa Department of Energy, posibleng Mayo o Hunyo pa maging stable ang presyo ng langis.

Kapag sumiklab naman ang giyera sa Ukraine sa gitna ng kakulangan sa supply, lalo pang sisipa ang presyo ng petrolyo.

Ngayong Martes, muling nagpatupad ang mga oil company ng taas-presyo, ang ikapitong sunod na linggong nagkaroon ng oil price hike.

Mula Enero 1, umabot na sa P10.20 ang kabuuang dagdag-presyo sa kada litro ng diesel, P7.95 sa gasolina at P9.10 sa kerosene.

Malapit nang tumungtong sa P80 ang kada litro ng gasolina habang lagpas P60 naman ang pinakamahal na diesel.

—Ulat ni Alvin Elchico, ABS-CBN News

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.