Presyo ng petrolyo tataas ulit sa Pebrero 15 | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Presyo ng petrolyo tataas ulit sa Pebrero 15

Presyo ng petrolyo tataas ulit sa Pebrero 15

ABS-CBN News

 | 

Updated Feb 14, 2022 07:55 PM PHT

Clipboard

https://sa.kapamilya.com/absnews/abscbnnews/media/2021/news/10/26/gas-pump.jpg

MAYNILA (UPDATE) — Muling tataas ang presyo ng produktong petrolyo sa Martes, Pebrero 15, ang ika-7 sunod na linggong nagmahal ang langis.

Ayon sa abiso ng mga kompanya ng langis ngayong Lunes, narito ang ipatutupad nilang price adjustment:

Caltex (Alas-12:01 ng hatinggabi)
GASOLINA +P1.20/L
DIESEL +P1.05/L
KEROSENE +P0.65/L

Shell, Seaoil, Petron, Flying V (Alas-6 ng umaga)
GASOLINA +P1.20/L
DIESEL +P1.05/L
KEROSENE +P0.65/L

ADVERTISEMENT

PetroGazz, Unioil (Alas-6 ng umaga)
GASOLINA +P1.20/L
DIESEL +P1.05/L

Cleanfuel (Alas-4:01 ng hapon)
GASOLINA +P1.20/L
DIESEL +P1.05/L

Mula Enero 1, umabot na sa P10.20 ang kabuuang dagdag-presyo sa kada litro ng diesel, P7.95 sa gasolina at P9.10 sa kerosene.

Dahil sa patuloy na pagmahal ng presyo ng petrolyo, nagdaos ng 1 oras na protesta nitong umaga ng Lunes ang grupong Gabriela sa may Quezon City.

Nanawagan si Gabriela Rep. Arlene Brosas sa pamahalaan na magpatupad ng price freeze sa mga pangunahing bilihin, na apektado aniya sa pagtaas ng presyo ng petrolyo.

Aminado rin ang ilang public utility vehicle at transport network vehicle service drivers na apektado ng serye ng mga taas-presyo ang kanilang hanapbuhay.

"Grabe halos wala na kami kinikita," sabi ng isang jeepney driver na nakapanayam ng ABS-CBN News.

Bakit tumaas?

Pero bakit nga ba 7 sunod na linggo nang pataas ang presyo ng petrolyo sa Pilipinas?

Ito'y dahil imported ang diesel, gasolina at gaas kaya sumusunod lang ang Pilipinas sa dikta ng presyuhan sa world market.

Ang presyo ng petrolyo sa bansa ngayong linggo ay epekto ng galaw sa international market noong nakaraang linggo.

Nagmahal naman ang presyo sa international market dahil lumakas ang konsumo ng mga bansang nagbubukas na ng ekonomiya kahit may COVID-19 pa.

May tensiyon pa sa Ukraine dahil sa bantang pananakop ng Russia, na isang ring malaking producer ng langis.

Kapag sumiklab ang giyera sa Ukraine, puwedeng maapektuhan ang Pilipinas.

Dahil dito, pinulong ng Department of Energy ang oil companies para matiyak ang supply ng langis sa bansa.

— Ulat nina Alvin Elchico at Lyza Aquino, ABS-CBN News

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.