NLEX Connector bubuksan na sa Marso | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

NLEX Connector bubuksan na sa Marso

NLEX Connector bubuksan na sa Marso

Robert Mano,

ABS-CBN News

Clipboard

Security personnel monitor the construction site of the NLEX-SLEX Connector. Courtesy: Jonathan Cellona, ABS-CBN News/file
Security personnel monitor the construction site of the NLEX-SLEX Connector. Courtesy: Jonathan Cellona, ABS-CBN News/file


Maaaring magamit na ng publiko sa unang bahagi ng 2023 ang North Luzon Expressway (NLEX) Connector na inaasahang maiibsan ang matinding trapiko sa Metro Manila.

Tinatayang sa Marso bubuksan ang unang ilang kilometro ng naturang daanan o mula C-3 Caloocan hanggang Dimasalang, Maynila.

Ang NLEX connector ang magdudugtong sa Caloocan hanggang sa Sta. Mesa, Maynila na kokonekta rin paakyat ng Skyway.

Aabot sa P85 ang magiging bayad mula C-3 hanggang España, Maynila.

ADVERTISEMENT

Nasa 25,000 na sasakyan naman kada araw ang inaasahang dadaan dito kabilang ang mga trak.

Pinangunahan naman ni Senate Committee on Public Services Chairman Sen. Grace Poe ang inspeksyon sa NLEX connector na aniya'y makatutulong rin na mapabilis ang biyahe ng mga nagdedeliver na trak.

"Kung hindi na kailangan sa gitna ng Metro Manila, pwede na sila dire-diretso sa north at sa south [gamit ang] mga connectors... 'yung ating mga delivery ng goods sa mga trucks, hindi na kailangang doon sa mga maliliit na kalsada sa baba—andito na sila sa highway. 'Yung ating byahe na north to south, mas mapapabilis rin dahil sa mga connectors na ito," ani Poe.

Sa kanyang briefing sa NLEX, sinabi ni Poe na ipinakita rin sa kanya ang long-term project na loop paikot ng Metro Manila.

Hinggil naman sa isyu ng toll hike, sinabi ng senador na "kailangan munang pag-aralan ang kakayanan ng publiko at hindi basta-basta magtataas ng singil."

Dagdag pa niya, kailangan tugma ang naibibigay na serbisyo sa kakayanan ng publiko na magbayad.

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.