Unang bahagi ng NLEX-SLEX connector layong buksan bago mag-Pasko | ABS-CBN

ABS-CBN Ball 2025:
|

ADVERTISEMENT

ABS-CBN Ball 2025:
|
dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Unang bahagi ng NLEX-SLEX connector layong buksan bago mag-Pasko

Unang bahagi ng NLEX-SLEX connector layong buksan bago mag-Pasko

ABS-CBN News

Clipboard

Target mabuksan bago mag-Pasko ang unang bahagi ng North Luzon Expressway-South Luzon Expressway connector na mag-uugnay sa Caloocan hanggang sa España sa Maynila.

Ang connector project ang magdudugtong sa NLEX-Balintawak at SLEX-Alabang. Layon ng proyektong iklian sa 20 minuto imbes sa higit 1 hanggang 2 oras ang biyahe mula Caloocan hanggang Alabang.

Ayon sa NLEX Corporation, nagsagawa na sila ng traffic simulation at hindi ganoong maaapektuhan ang daloy ng trapiko.

"Ang kailangan na lang makuha, 'yung unang block ng area na 'yun para maitayo 'yung other leg ng ating structure. After that, pag nakumpleto natin yun, let's say by end of December… Kung 'di naging maayos at hindi kakayanin 'yung full España at least the southbound will be open by December," ani NLEX Corporation Project Manager Edward Castro.

ADVERTISEMENT

Sa umaga, tatlong lanes ang bukas pa-Legarda sa Maynila at Cubao sa Quezon City. Sa gabi, dalawang lanes lang ang bukas.

Isusunod naman sa Pebrero ang pagbubukas ng ugnayan sa pagitan ng España at Sta. Mesa.

Pero ang mga timeline na ito ay masusunod kung matutugunan ng Department of Public Works and Highways ang mga isyu ng right of way sa kahabaan ng elevated expressway o iyong mga matatamaang mga bahay at impraestruktura.

Target naman buksan ng DPWH ang buong NLEX-SLEX connector bago matapos ang 2023.

-- Ulat ni Jacque Manabat, ABS-CBN News

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.