Pork holiday itinuloy ng meat vendors sa pagsisimula ng price cap | ABS-CBN
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Business
Pork holiday itinuloy ng meat vendors sa pagsisimula ng price cap

ABS-CBN News
Published Feb 08, 2021 02:45 PM PHT
|
Updated Feb 08, 2021 08:05 PM PHT
MAYNILA (UPDATE) — Hindi nagbukas ng kanilang mga puwesto ang ilang nagtitinda ng karneng baboy at manok sa Metro Manila ngayong Lunes bilang pag-alma sa ipinataw na price ceiling ng gobyerno sa kanilang mga produkto, na anila'y ikalulugi nila.

Ngayong Lunes na rin kasi nagsimula ang pagpapatupad ng Executive Order No. 124, na nagtatakda ng price cap na P270 sa kada kilo ng kasim at pigi, P300 sa kada kilo ng liempo, at P160 sa kada kilo ng manok sa Metro Manila sa loob nang 60 araw.

Sa Commonwealth Market sa Quezon City, imbes na tumambad ang mga suplay ng baboy at manok, puro bakanteng puwesto ang sumalubong sa ilang mamimili.

May ilan namang nagbukas pero limitado lamang ang supply.

ADVERTISEMENT
Nagbigay naman ng notice of inquiry ang mga taga-Department of Agriculture (DA) at Quezon City Hall sa mga tinderong nagbukas ng puwesto pero hindi sumunod sa price cap.

Sabi ng mga tindero, hindi nila kayang bilhin ang mga nahahangong baboy dahil mataas pa rin ang presyo kaya tigil-benta na lang muna sila kaysa malugi o lumabag sa price cap.

"Parang sa 'min harassment ang dating 'di ba kasi naghahanapbuhay ka, gusto mo sumunod, magkakaroon ka pa ng violation," sabi ng tindero ng baboy na si Toto Monterillo.

"Mayroon kaming puwedeng hakutin [na baboy] sa Bulacan, ang problema, 'di namin kaya 'yong presyo," aniya.

Tahimik din ang Tandang Sora Market sa Quezon City matapos walang sumipot na mga tindero ng manok at baboy, gayundin sa Paco Market sa Maynila.

May ilang nagtinda ng manok sa Quinta Market pero halos wala ring nagbukas na puwesto ng baboy.

Sa Trabajo Market, wala ring nadatnang bukas na puwesto ng baboy at manok ang mga mamimili.

Ayon kay Zanida Mapoy, director ng Manila Market Administration Office, nakiisa sa pork at chicken holiday ang 17 pamilihan sa lungsod.

Nakiusap naman si Presidential Spokesperson Harry Roque sa mga magbababoy na itigil na ang pork holiday.

"Sana po ipagpatuloy n'yo ang pagtitinda ng baboy," ani Roque.

Ayon sa Pork Producers Federation of the Philippines (ProPork), matagal na nilang binalaan ang DA na mawawalan ng baboy at manok ang Metro Manila dahil sa price ceiling at panukalang ibaba ang taripa ng imported na baboy.

Iminungkahi nila na konsultahin ng pangulo ang mga magbababoy, traders at retailers maging ang mga supermarket.

Dahil kapag natuloy anila ang price ceiling at bigyan din ng price cap ang traders at wholesalers, maaaring lumala pa ang problema sa supply at presyo ng baboy at manok.

Ayon naman sa DA, nangako ang South Cotabato ng 10,000 baboy kada linggo na ipararating sa Metro Manila.

Nitong umaga ng Lunes, dumating na umano ang paunang padala na 27 metric tons o 260 na baboy mula General Santos City.

Bukod doon, makakakuha rin ang Metro Manila ng supply mula Iloilo at Batangas, ayon sa DA.

May transport costs ding aakuin ang ahensiya para sa mga baboy, ani Agriculture Secretary William Dar.

Aabangan pa kung magpapatuloy ang pork holiday sa mga pamilihan sa Martes.

Ipinatupad ang price cap dahil sa mataas na presyo ng karne sa Metro Manila, na isinisi sa kakulangan ng supply ng baboy bunsod umano ng African swine fever.

-- Ulat nina April Rafales at Jekki Pascual, ABS-CBN News
Read More:
PatrolPH
Tagalog news
agrikultura
bilihin
price cap
price ceiling
baboy
manok
palengke
pork holiday
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT