Ekonomiya lumago sa huling 3 buwan ng 2018 | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Ekonomiya lumago sa huling 3 buwan ng 2018

Ekonomiya lumago sa huling 3 buwan ng 2018

ABS-CBN News

Clipboard

Mga namimili sa Divisoria noong Disyembre 2017. Erik De Castro, Reuters

Kabuuang paglago ng ekonomiya noong 2018: 6.2 porsiyento

Bumilis ang paglago ng ekonomiya ng bansa sa huling tatlong buwan ng 2018, o fourth quarter (Q4), base sa naitalang gross domestic product (GDP) ng Philippine Statistics Authority (PSA).

Ang gross domestic product ay sukatan ng lahat ng mga nagawang produkto at naibigay na serbisyo sa loob ng bansa sa itinakdang panahon.

Base sa datos na inilabas nitong Huwebes, bumalik sa 6.1 porsiyento ang paglago ng ekonomiya ng bansa mula Oktubre hanggang Disyembre, na bahagyang mas mataas sa 6 porsiyentong paglago noong Hunyo hanggang Setyembre 2018.

Dahil dito, nasa 6.2 porsiyento ang kabuuang GDP noong 2018.

ADVERTISEMENT

Naitala ang 6.9 porsiyentong paglago sa sektor ng industriya - na hudyat umano ng magandang usad sa "Build, Build, Build" program ng gobyerno.

Bumagal naman ang manufacturing growth sa 3.2 porsiyento mula 7.9 porsiyento sa parehong panahon noong 2017.

Ayon kay Socioeconomic Planning and Development secretary Ernesto Pernia, maaaring mas mataas sana ang GDP growth noong 2018 kung pumasok ang antas ng inflation sa target ng gobyerno.

"If inflation stayed within target range in 2018, real GDP growth could have been 1.2 percent better and bring it closer to lower end of target," aniya.

Nagkaroon naman ng 1.8 porsiyentong paglago sa agricultural output sa huling tatlong buwan ng 2018. Ito ay mas mabagal sa 2.3 porsiyentong paglago sa parehong quarter noong 2017.

Magugunitang bumagal sa 5.2 porsiyento ang kabuuang inflation noong 2018 - na pinakamabilis sa loob ng 9 taon.

Ang inflation ang bilis ng pagtaas ng presyo ng mga bilihin.

-- May ulat ni Bruce Rodriguez, ABS-CBN News

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.