Inflation bumagal sa 5.1 porsiyento nitong Disyembre | ABS-CBN

Featured:
|

ADVERTISEMENT

Featured:
|
dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Inflation bumagal sa 5.1 porsiyento nitong Disyembre

Inflation bumagal sa 5.1 porsiyento nitong Disyembre

ABS-CBN News

 | 

Updated Jan 04, 2019 09:11 PM PHT

Clipboard

Kabuuang inflation noong 2018 pinakamabilis sa loob ng 9 taon

Bumagal pa ang inflation, o ang pagtaas ng presyo ng mga bilihin at serbisyo, sa 5.1 porsiyento noong Disyembre 2018, ayon sa Philippine Statistics Authority.

Ito ang pinakamabagal na inflation na naitala mula Hunyo 2018. Pangalawang buwan nang bumagal ang inflation matapos ang 6 porsiyento na naitala noong Nobyembre.

Mas mabagal dito ito sa tantiyang 5.6 porsiyentong inflation ng ilang ekonomista.

Kabilang sa pinakamalaking nag-ambag ng taas-presyo ang pagkain, inumin, kuryente, at mga kainan at iba pang serbisyo.

ADVERTISEMENT

Watch more in iWantv or TFC.tv

Bagaman naitala ang pagbagal noong Disyembre, bumilis pa rin ang kabuuang inflation noong 2018 sa 5.2 porsiyento mula 2.9 porsiyento noong 2017—na pinakamabilis na antas mula 2009.

Bumilis ang taunang inflation sa NCR sa 5 porsiyento noong 2018 mula 3.7 porsiyento noong 2017.

Naitala naman ang pinakamabilis na kabuuang inflation sa Autonomous Region in Muslim Mindanao (ARMM) noong 2018 sa 7.1 porsiyento.

Pinakamababa naman ang sa Central Luzon na nagtala ng 3.2 porsiyentong inflation noong nakaraang taon.

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.