Japan nangangailangan ng 345,000 foreign workers | ABS-CBN

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Japan nangangailangan ng 345,000 foreign workers

ABS-CBN News
Published Jan 18, 2019 06:46 PM PHT

Mahigit 300,000 foreign workers ang kailangan ngayon ng Japan para sa 14 na industriya.

Kaya para makahikayat ng mga aplikante, may ilulunsad silang bagong employment track sa Abril, kung saan may pagkakataon ang manggagawa na madala ang pamilya at magkaroon ng "immigrant status."

Nakipagpulong na ang mga opisyal ng Japan sa Philippine Overseas Employment Administration (POEA) para ilunsad ang bagong employment track na tatawaging "specified skilled worker visa."

Ayon sa PEOA, iba pa ito sa Technical Internship Training Program (TITP), kung saan ide-deploy ang isang aplikante bilang "trainee".

ADVERTISEMENT
Sa ilalim kasi ng TITP, limang taon lang ang kontrata at hindi na puwedeng mag-renew o mag-apply ulit matapos nito.

"Itong bagong visa puwede i-migrate ang TITP workers to full time worker," paliwanag ni Bernard Olalia, POEA administrator.

May dalawang kategorya din sa ilalim ng bagong programa depende sa skills at trabaho ng worker.
Una, maaaring mabigyan ang worker ng limang taong kontrata o di kaya ay mahigit limang taon na may pagkakataon pang madala ang pamilya at mag-apply para sa immigrant visa.
Panghikayat ito sa mga aplikante dahil bagama't lumalago ang mga industriya sa Japan, maliit ang kanilang populasyon at mas marami ang mga matatanda.
Sa Japan din gaganapin ang 2020 summer Olympics.

Sumatotal, aabot sa 345,000 workers ang layong makuha ng Japan.

14 job categories na kailangang punan ng Japan:
1. Care workers
2. Food service industry
3. Construction
4. Agriculture
5. Manufacture of food and beverages
6. Accommodation industry
7. Building cleaning management
8. Machine parts and tooling
9. Industrial machinery
10. Fishery and aquaculture
11. Electric, electronics and information
12. Aviation industry
13. Automobile repair and maintenance
14. Shipbuilding and ship machinery

Sa kabila nito, may dalawang bagay na kailangang lagpasan para makapasa sa programa.

"Dalawang requirements ang dapat ipasa: language proficiency exam at skills test... Mas strict ito compared to TITP," ani Olalia.

Isang kasunduan ang nakatakdang pirmahan sa pagitan ng Pilipinas at Japan sa mga susunod na buwan para sa implementasyon ng specified skilled worker visa sa Abril.

—Ulat ni Zen Hernandez, ABS-CBN News
Read More:
PatrolPh
Tagalog news
balita
trabaho
hanapbuhay
Japan
OFW
overseas Filipino worker
POEA
Technical Internship Training Program
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT