Higit 17,000 trabaho sa Japan alok sa mga Pinoy | ABS-CBN

HEADLINES:
|

ADVERTISEMENT

HEADLINES:
|
dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Higit 17,000 trabaho sa Japan alok sa mga Pinoy

Higit 17,000 trabaho sa Japan alok sa mga Pinoy

ABS-CBN News

Clipboard

Mahigit 17,000 job orders sa ilalim ng isang bagong programa ang alok ng bansang Japan para sa mga Pinoy na nais mangibang bansa.

Sa ilalim ng Technical Internship Training Program (TITP), ide-deploy ang isang aplikante bilang "trainee" pero makatatanggap pa rin ng sahod at benepisyo gaya ng isang regular na manggagawa. Ang kaibahan lang, sasailalim muna sila sa mga libreng training.

Ayon sa Department of Labor and Employment (DOLE), 17,810 ang kabuuang bilang ng job order pero inaasahang mas dadami pa ito hanggang sa 100,000.

Ayon sa Philippine Overseas Employment Administration (POEA), isang dahilan ng pangangailangan ng Japan ang patuloy na pag-usbong ng ekonomiya nito sa harap ng tumatandang populasyon.

ADVERTISEMENT

Hanap ng Japan ang mga trabahador sa mga sumusunod na kategorya:

  • Agriculture
  • Fishery
  • Construction
  • Food manufacturing
  • Textile
  • Machinery and metal
  • Care workers
  • Factory work

Basic Nihongo lang daw ang kailangan sa TITP habang ang iba pang language training ay sa Japan na itutuloy.

Pero may limit na limang taon ang kontrata. Ibig sabihin, kapag nakakumpleto na ng TITP, hindi na puwedeng mag-renew o mag-apply ulit.

Mga licensed recruitment agency lang din ang naatasang humawak ng application process.

Para hindi maloko ng mga ilegal na recruiter, seguraduhin na ang katransaksiyon ay lisensiyado.

Makikita ang listahan ng mga awtorisadong recruitment agency sa POEA website.

—Ulat ni Zen Hernandez, ABS-CBN News

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

ABS-CBN is the leading media and entertainment company in the Philippines, offering quality content across TV, radio, digital, and film. Committed to public service and promoting Filipino values, ABS-CBN continues to inspire and connect audiences worldwide.

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.