Ilang negosyante naghahanda sa nakaambang taas-singil sa tubig, kuryente | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Ilang negosyante naghahanda sa nakaambang taas-singil sa tubig, kuryente

Ilang negosyante naghahanda sa nakaambang taas-singil sa tubig, kuryente

Karen De Guzman,

ABS-CBN News

Clipboard

MAYNILA — Pinaghahandaan na ng ilang maliliit na negosyante ang nakaambang na taas-singil sa tubig at kuryente ngayong Enero.

Para hindi magkagulatan sa bill ng kuryente, naisip ng laundry shop owner na si Chie Garcia ang gumamit ng front load na washing machine para sa kaniyang negosyo.

"Pamilyar na kami sa trend ng rate ng bill sa Philippines... Inisip namin na mag-avoid kaming gumamit ng water pump saka pressure tank since nasa taas naman 'yung source namin ng water. So malaking katipiran din sa'min 'yun in terms of kuryente," ani Garcia.

Hindi rin basta-basta pwede kumunsumo ng tubig dito kahit palabahan ito.

ADVERTISEMENT

"We make sure na 'yung water na ginagamit dito ay para lang talaga sa negosyo sa pag-washing. At saka 'yung mga comfort room namin, we avoid na gumamit ng flush. We avoid din ng paghugas ng plato, gumagamit kami ng disposable," aniya.

Samantala, umaaray ang nagpapatakbo ng karinderya na si Flor Mahinay dahil bukod sa taas-singil sa tubig at kuryente, pinakaapektado rin ang kanilang negosyo sa pagtaas ng mga pangunahing bilihin sa palengke.

Kaya ang kanilang diskarte, sa halip na hanggang alas-8 lang ng gabi magtinda, magdamagan nang bukas ang kanilang karinderya.

"Dati po ay hanggang 8 p.m. lang kami. Tapos ngayon po, 24/7 na po para makabawi doon sa mahal na gastusin. Sobrang taas po," ani Mahinay. "Hindi naman po nagbawas ng putahe, ganun pa rin po. Kaso lang, bawas ng takal konti. Di naman kami nagdagdag sa price."

Kung hindi pa rin sasapat ang kanilang pagtitipid, wala na aniya silang magagawa kundi magdagdag na rin ng singil sa konsyumer.

ADVERTISEMENT

"Isa sa kino-consider namin, mag-increase kahit P10 lang per load. Siguro, pag mag-start ang March," sabi ni Garcia, ang may-ari ng laundry shop.

Ayon sa Meralco, P0.62 ang kanilang dagdag-singil sa kada kilowatt hour para sa January billing.

Tataas naman ang singil ng ilang water concessionaires dahil sa environmental charge na binabayaran ng mga konsyumer.

Panawagan nina Garcia at Mahinay, sana ay ma-control ang dagdag-singil lalo na’t ngayon pa lang anila sila nakakabawi mula sa pandemya.

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.