Singil sa kuryente tataas ngayong Enero 2023: Meralco | ABS-CBN

Featured:
|

ADVERTISEMENT

Featured:
|
dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Singil sa kuryente tataas ngayong Enero 2023: Meralco

Singil sa kuryente tataas ngayong Enero 2023: Meralco

Alvin Elchico,

ABS-CBN News

 | 

Updated Jan 10, 2023 09:22 PM PHT

Clipboard

Watch more News on iWantTFC

(UPDATE) Tataas ang singil sa kuryente ng Manila Electric Company (Meralco) ngayong Enero 2023, sabi ngayong Lunes ng kompanya.

Ayon sa Meralco, P0.62 ang kanilang dagdag-singil sa kada kilowatt hour (kwh) para sa January billing.

Katumbas umano ito ng P124 dagdag-singil sa mga kumokonsumo ng 200 kwh, P186 sa konsumong 300 kwh, P248 sa konsumong 400 kwh at P310 sa konsumong 500 kwh.

Ang taas-presyo ay epekto umano ng pagkalas sa kontrata ng planta ng San Miguel sa Meralco. Mas mahal kasi umano ang presyo ng kuryente sa spot market at emergency supply agreement.

ADVERTISEMENT

Nasa P4 lang ang presyo sa orihinal na kontrata pero naglalaro ito sa P10 kada kwh sa spot market habang halos P6 sa emergency contract.

Kaya iginiit ng grupong Bayan Muna na hindi masisisi ang taumbayang nag-iisip na may pinapaborang power player ang Energy Regulatory Commission dahil sa dulo'y konsumer pa rin anila ang sasalo sa dagdag-singil.

Pinayuhan naman ng Meralco ang publiko na magtipid sa paggamit ng kuryente.

"We are working closely with government to ensure we are able to explain and provide more detailed info on energy saving tips and energy efficiency to mitigate somehow 'yong pagtaas ng presyo ng kuryente," ani Meralco Spokesperson Joe Zaldarriaga.

Pinaghahandaan na rin ng Meralco ang projection ng gobyernong 8 buwan ng 2023 ang may yellow alert o pagnipis ng reserbang kuryente sa Luzon grid.

"Hopefully maitatawid naman natin ito as we have done in the past. Working together with government, we have been able to somehow manage the summer months despite some challenges along the way," ani Zaldarriaga.

Nauna nang sinabi ng pamahalaan na kapag may isang malaking plantang bumagsak sa tag-init, posibleng mauwi ito sa red alert na maaaring magdulot ng brownout sa Luzon.

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.