Gobyerno handang tulungan mga mawawalan ng trabaho sa Alert Level 3: Bello | ABS-CBN

ABS-CBN Ball 2025:
|

ADVERTISEMENT

ABS-CBN Ball 2025:
|
dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Gobyerno handang tulungan mga mawawalan ng trabaho sa Alert Level 3: Bello

Gobyerno handang tulungan mga mawawalan ng trabaho sa Alert Level 3: Bello

ABS-CBN News

Clipboard

Handa ang gobyerno na tumulong sa mga mawawalan ng trabaho bunsod ng pagsasailalim sa Metro Manila sa Alert Level 3, ayon kay Labor Secretary Silvestre Bello III.

Ayon kay Bello, puwedeng makinabang ang nasa 40,000 informal workers sa emergency employment o cash-for-work program.

Nariyan pa rin aniya ang COVID-19 Adjustment Measures Program na magbibigay ng one-time P5,000 cash assistance sa mga manggagawa sa formal sector.

Maaaring umabot sa 200,000 ang mga mawawalan ng trabaho dahil sa Alert Level 3, na ipinapatupad mula Enero 3 hanggang 15, sabi ni Trade Secretary Ramon Lopez.

ADVERTISEMENT

Pero magkakaroon pa rin aniya ng oportunidad ang mga negosyo para kumita, lalo't hindi naman malayo ang protocols ng Alert Level 3 sa pinanggalingang Alert Level 2.

"Pinakaimportante dito, mailayo na natin ang ating bansa sa posibleng biglang pagdami ng omicron cases," ani Lopez, na tinutukoy ang mas nakahahawang variant ng COVID-19.

Ipinatupad ang Alert Level 3 dahil sa pagsipa ng mga kaso ng COVID-19 sa bansa, na karamiha'y nasa Metro Manila.

Para sa Employers Confederation of the Philippines (ECOP), mali ang desisyong ibalik ang Alert Level 3.

"Marami na naman iyong magugutom, mawawalan ng trabaho," ani ECOP president Sergio Ortiz Luis Jr.

ADVERTISEMENT

Pero ayon kay Jonathan Ravelas, chief market strategist ng BDO, makatutulong ang maagang pagdeklara ng Alert Level 3 para mapanatili ang paglago ng ekonomiya noong huling mga buwan ng 2021.

Ayon din sa Federation Of Filipino Chinese Chambers Of Commerce & Industry, Inc. (FFCCCII), hindi naging marahas ang pagtugon ng gobyerno at malayo ang Alert Level 3 sa dating mga lockdown.

"The good thing is that they're not making it indefinite, they're now doing it in 2-week segments which means, they're taking a very calibrated approach, logical approach," sabi ni FFCCCII Trade and Industry Committee Chairman George Siy.

Pero may ilang manggagawa na dismayado, gaya ng barbero na si Santos Reario dahil mapipilitan silang magbawas ng kostumer sa ilalim ng paghihigpit.

Natatakot umano si Reario na magsara ang pinapasukan niyang negosyo ngayong bagong taon.

ADVERTISEMENT

Nawalan na aniya siya ng kumpiyansa sa gobyerno at bakuna.

"Inaasahan mong vaccinated ka tapos wala pa rin pala, ganoon pa rin," ani Reario.

— Ulat ni Warren de Guzman, ABS-CBN News

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.