Pulis na 'nang-yantok', nagbabantay na ngayon sa Marawi | ABS-CBN
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Pulis na 'nang-yantok', nagbabantay na ngayon sa Marawi

ABS-CBN News
Published Jul 05, 2017 11:29 PM PHT
|
Updated Jul 05, 2017 11:35 PM PHT

Watch more on iWantTFC.com. Watch hundreds of Pinoy shows, movies, live sports and news.

Ipinakilala na ng Philippine National Police-Autonomous Region in Muslim Mindanao (PNP-ARMM) ang mga bago nilang miyembro na sina PO1 Jose Tandog at PO1 Chito Enriquez--sila ang mga pulis-Mandaluyong na dinispatsa ni PNP Chief Director General Ronald "Bato" dela Rosa sa Marawi.

Nakunan sa video si Tandog na pinapalo ng yantok lalaking inaresto dahil sa paglabag sa curfew at pag-inom sa Mandaluyong. Hindi naman umawat sa pamamalo ang kaniyang kasamahang si Enriquez.

"Iyong kanilang displaced anger, ilalagay natin sa tamang lugar. There are ways to do that. Ang bilin ko, pakabait sila, this is their chance to redeem themselves. The fact [that] they reported on time, they still love to serve, gusto pa nila maglingkod," ani Police Chief Superintendent Reuben Theodore Sindac, PNP-ARMM regional director.

Tutulong ang dalawang pulis-Mandaluyong na magbantay sa Marawi.
Tutulong ang dalawang pulis-Mandaluyong na magbantay sa Marawi.
ADVERTISEMENT
Sa ngayon, nakakalat ang mga pulis at sundalo sa cleared areas o mga lugar na wala nang terorista.

Naglunsad naman ng 'Oplan Padlock' ang ilang punong barangay para protektahan ang mga naiwang bahay.

Samantala, nabawi na ng militar ang Dansalan College na isa sa mga unang inatake at ginawang kuta ng Maute group sa Marawi City.

Kahit sira-sira na ang eskuwelahan at natupok ang ilang gusali sa campus, kontrolado na ito ngayon ng tropa ng gobyerno. Nakataas na ulit ang bandila ng Pilipinas sa gusali.

Hinihintay din ng PNP ang go-signal para mabalikan ang kanilang police station na inatake rin ng Maute noon. Nasa tabi lang ito ng Dansalan College.

Sa gitna naman ng umiiral na batas militar, biglang tinanggalan ng kapangyarihan ang 139 lokal na opisyal ng Mindanao na mangasiwa sa pulisya.

Mga nasasawing ‘bakwit’ dahil sa sakit, dumarami

Umakyat na sa 31 ang bilang ng mga nasawing ‘bakwit’ dahil sa iba’t ibang sakit. Ayon sa Provincial Health Office ng Lanao del Sur, karamihan sa mga namatay ay mga bata dahil sa paghina ng kanilang resistensiya. Sa isang pagamutan, binibigyang lunas ang isang sanggol na pinahihirapan ng meningitis. Mapa-bata naman o matanda, dagsa sa lahat ng medical stations.

Ayon sa Provincial Health Office, nasa 500% o limang beses na mas mataas sa kapasidad ang occupancy rate ng mga ospital. Ganiyan na karami ang nagkakasakit sa Marawi. Kaya ang supply sa mga ospital, minsa’y nagkukulang na rin lalo na ang mga gamot na kailangan ngayon sa mga evacuation center.

Pero hindi lang mga tao, pati hayop apektado rin ng gulo. Nakuha kamakailan ng mga awtoridad ang asong si Bruno na halos wala nang buhay. Mahigit kalahati sa timbang nito ang nawala mula nang maipit sa giyera. Umaasa silang maisasalba ang buhay ng asong hindi na halos nakakain mula nang magsimula ang gulo.

Kaya ang ilang grupong adbokasiya ang pangagalaga sa mga hayop, nagbigay ng sako-sakong animal food para ipakain sa mga hayop na naiipit din sa Marawi.

--Ulat nina Jeff Canoy at Ron Gagalac, ABS-CBN News

Read More:
PatrolPh
tagalog news
Marawi
Maute group
Marawi Clash
war
terrorism
Dansalan College
oplan padlock
PNP
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT