7 gobernador, 132 alkalde sa Mindanao, tinanggalan ng kapangyarihan sa pulisya | ABS-CBN
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
7 gobernador, 132 alkalde sa Mindanao, tinanggalan ng kapangyarihan sa pulisya

ABS-CBN News
Published Jul 05, 2017 07:27 PM PHT
|
Updated Jul 06, 2017 04:48 AM PHT

Iniuugnay din ang mga lokal na opisyal sa terorismo at ilegal na droga.

Pitong gobernador at 132 mayor sa Mindanao ang inalisan ng kapangyarihan ng National Police Commission (NAPOLCOM) na hawakan ang pulisya sa kanilang lugar.

Kabilang sa mga inalisan ng kapangyarihan ang mga gobernador ng Maguindanao, Lanao Del Sur, Lanao Del Norte, Sultan Kudarat, Sulu, Basilan, at Tawi Tawi. Binawian din ng kapangyarihan ang alkalde ng Cotabato City, ayon sa komisyon.

Ipinag-utos ng NAPOLCOM ang pagbawi sa deputation ng mga opisyal sa gitna ng patuloy na bakbakan ng puwersang gobyerno at mga terorista sa Marawi City. Nasa ilalim pa rin ng martial law ang buong Mindanao bunsod ng mga pag-atake.

May ilang lokal na opisyal na ang naiugnay sa mga teroristang nasa likod ng kaguluhan sa Marawi City.
May ilang lokal na opisyal na ang naiugnay sa mga teroristang nasa likod ng kaguluhan sa Marawi City.
ADVERTISEMENT
ANG MGA SUMUSUNOD NA OPISYAL AY BINAWIAN NA NG KAPANGYARIHAN SA PULISYA:
Governor Esmael G. Mangudadatu at 28 Mayors sa Maguindanao;

Governor Mamintal Adiong, Jr. at 37 Mayors sa Lanao del Sur;

Governor Imelda D.C. Quibranza-Dimaporo at 22 Mayors sa Lanao del Norte;

Governor Datu Pax S. Pakung Mangudadatu at 12 Mayors sa Sultan Kudarat;

Governor Abdusakar A. Tan II at 13 Mayors sa Sulu;
Governor Abdusakar A. Tan II at 13 Mayors sa Sulu;
ADVERTISEMENT
Governor Hadjiman Salliman at 10 Mayors sa Basilan;

Governor Nurbert Sahali at 9 Mayors sa Tawi-tawi; at

Mayor Frances Cynthia Guiani-Sayadi ng Cotabato City

Source: Napolcom
Ayon sa NAPOLCOM, bigo ang mga nabanggit na opisyal na pigilan ang mga terorista sa kanilang lugar. May kinalaman din umano sila sa ilegal na droga at pagsuporta sa mga terorista.

Sa ilalim ng batas, binibigyan ng kagyat na kapangyarihan ang mga gobernador at mayor na pangasiwaan ang lokal na pulisya sa kanilang mga lugar.

Humihingi naman ng paliwanag ang lokal na pamahalaan sa mga akusasyon ng NAPOLCOM sa kanila.

Giit ni Zia Alonto Adiong, Assemblyman ng Autonomous Region in Muslim Mindanao, matagal nang nakikipagtulungan ang mga lokal na opisyal sa pulisya at militar para masupil ang ilegal na droga at terorismo sa kanilang lugar.

Nagtataka din ang lokal na pamahalaan kung bakit isinabay ang kautusan sa panahon na may bakbakan sa Marawi.

Nilagdaan ang kautusan noon pang ika-8 ng Hunyo, o mahigit dalawang linggo mula nang isailalim sa batas militar ang buong Mindanao.

Isa pang ipinagtataka ng lokal na pamahalaan, bakit may mga mali sa listahan.
Isa pang ipinagtataka ng lokal na pamahalaan, bakit may mga mali sa listahan.
ADVERTISEMENT
Gaya sa Lanao Del Sur, si Mamintal Adiong, Jr. ang nakasulat, gayong si Bedjoria Soraya Adiong na ang gobernador. Mali rin ang nakasulat na gobernador sa Tawi-Tawi at Sultan Kudarat. Pati ang mayor ng Marawi, iba rin ang nakasulat. Ilan pa sa mga mayor na kasama sa listahan ay patay na.

Wala pang pahayag ang NAPOLCOM kaugnay nito.

Sinabi naman ni Philippine National Police Chief Director General Ronald “Bato” dela Rosa na pag-uusapan pa nila ng NAPOLCOM kung paano ipatutupad ang mga probisyon ng kautusan.

-- Ulat ni Ron Gagalac, ABS-CBN News
Read More:
PatrolPH
Tagalog news
TV Patrol
Ron Gagalac
balita
local government
martial law
Mindanao
deputization
withdrawn
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT