MPBL: Ray Parks sa mga foul na itinawag sa kaniya — ‘They don’t want me to be here’ | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

MPBL: Ray Parks sa mga foul na itinawag sa kaniya — ‘They don’t want me to be here’

MPBL: Ray Parks sa mga foul na itinawag sa kaniya — ‘They don’t want me to be here’

Dennis Gasgonia,

ABS-CBN News

Clipboard

Di nasiyahan si Ray Parks Jr. sa tawagan Martes ng gabi. Mark Demayo, ABS-CBN News

“They don’t want me to be here.”

Iyan ang paulit-ulit na pahayag ni Ray Parks Jr. matapos matalo ang kaniyang Mandaluyong El Tigre sa Muntinlupa Cagers 86-74 sa Maharlika Pilipinas Basketball League Datu Cup Araneta Coliseum Martes ng gabi.

Nakapagtala ng 21 points at 10 rebounds si Parks ngunit wala pang 29 minutes ang kaniyang inilagi sa hard court dahil sa foul trouble.

Pinituhan siya para sa kaniyang ikalawang foul may 3:42 natitira sa first quarter. Bago pa mag-halftime, tinawagan siya ng kaniyang ikatlong foul.

ADVERTISEMENT

Sa panayam niya sa media pagkatapos ng laro, bakas ang pagiging sarkastiko ni Parks.

“We got a lot of learning to do, (but) I’ll be honest — they don’t want me in this league,” ani Parks, MVP sa UAAP at ASEAN Basketball League.

“I want to make that statement for tomorrow or whatever, but yeah I’m saying it — they don’t want me in this league.”

Di maganda ang naging simula ng relasyon ni Parks at ng liga matapos maglabas ang liga ng regulasyon ukol sa mga tinaguriang “Fil-foreign” players noong nakaraang buwan, bagay na ikinapikon ni Parks.

Noong Martes, pangiti-ngiting tinanggap ni Parks ang mga tawag ng mga referee.

“First time I’ve seen in my life, 4 offensive fouls. I mean I attended the orientation. I know what a foul is, I know what offensive is, they don’t want me being here,” dagdag ni Parks.

“I take it as a challenge another day. They don’t want me here, but I’m here.

“This is my home though, I enjoyed playing as much as I could but they don’t want me here.”

For more sports coverage, visit the ABS-CBN Sports website.

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.