MPBL: Mas pangarap kong magbasketbol kaysa mag-artista — Gerald Anderson | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

MPBL: Mas pangarap kong magbasketbol kaysa mag-artista — Gerald Anderson

MPBL: Mas pangarap kong magbasketbol kaysa mag-artista — Gerald Anderson

Dennis Gasgonia,

ABS-CBN News

 | 

Updated Jun 13, 2018 01:21 AM PHT

Clipboard

Kahit injured si Gerald Anderson, sinuportahan pa rin niya ang kaniyang mga Marikina Shoemasters teammate mula sa bench Martes ng gabi. Mark Demayo, ABS-CBN News

Kung hindi siya nabigyan ng break sa showbiz, inamin ni Gerald Anderson na malamang ipinagpatuloy niya ang pangarap niyang maging professional basketball player.

“Isa ito sa mga pangarap ko nu’ng bata pa lang ako,” ani Anderson, na maglalaro dapat para sa Marikina Shoemasters Martes ng gabi kung wala sana siyang iniindang minor hamstring injury.

Kahit injured si Anderson, sinuportahan pa rin niya ang kaniyang mga teammate sa pamamagitan ng pag-cheer niya mula sa bench.

Nanalo ang Shoemasters 88-81 kontra General Santos City Warriors sa labanan ng 2 expansion team.

ADVERTISEMENT

“Mas pangarap ko nga ito kesa mag-artista,” dagdag niya.

Ayon kay Anderson, tinutulungan siya ni Marikina coach Elvis Tolentino para mahasa lalo ang kaniyang laro.

“Kung mataas ang expectation niya sa akin, mas mataas ang expectation ko sa sarili ko,” pahayag ni Anderson.

Inamin niyang malaking hamon ang time management para sa kaniya.

“ ’Pag may oras ako, ’pag walang taping, talagang pumupunta ako ng practice o may sariling session sa bahay,” kuwento ni Anderson, na nagpasalamat din sa suporta ng kaniyang mga teammate.

“Sobrang thankful ako na natuloy ito . . . sobrang thankful ako sa mga teammates ko,” aniya.

For more sports coverage, visit the ABS-CBN Sports website.

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.