NBA Finals: Pagpalit ng tinawag na foul kay Durant, tama ba? | ABS-CBN

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
NBA Finals: Pagpalit ng tinawag na foul kay Durant, tama ba?

ABS-CBN News
Published Jun 01, 2018 02:48 PM PHT
|
Updated Jun 02, 2018 08:07 AM PHT

Usap-usapan ngayon sa social media ang krusyal na pagpapalit ng mga referee sa tinawag na offensive foul kay Kevin Durant ng Golden State Warriors na naging blocking foul kontra kay LeBron James.

Hati ang opinyon ng mga netizen kung dapat bang na-overturn ang naging unang desisyon lalo pa’t dikit ang iskor ng 2 koponan nang mangyari ito.

Kinumpleto ni James ang isang three-point play sa huling 50.8 segundo ng Game 1 ng NBA Finals upang ibigay sa Cleveland Cavaliers ang 104-102 na abante.

Nais sanang sumagot ni Durant upang itabla ang laban ngunit bumangga ito sa depensa ni James. Tinawagan si Durant ng offensive foul dahil dito, may 36.4 segundo ang nalalabi sa laro.

ADVERTISEMENT
Ngunit ni-replay ng referees ang pangyayari bago tuluyang binago ang tawag bilang blocking foul kay James. Nagresulta ang pagbaliktad ng desisyon sa dalawang free throw ni Durant na umiskwala sa laban sa 104-all.

Sakaling hindi nabago ang tawag kay Durant, may pagkakataon sana ang Cavaliers na dagdagan ang dalawang puntos na kalamangan at maaaring manakaw ang panalo sa Game 1 ng kanilang serye.

Kagaya ng maraming netizens, hindi nagustuhan ni Cleveland head coach Tyronn Lue ang pangyayari. "It's never been done, ever, in the history of the game," ani Lue. "And then tonight, in the Finals, on the biggest stage, when our team played well, played our (butts) off, man, it ain't right. It ain't right."

Matapos ang bakbakan na umabot sa OT kung saan nagwagi ang Warriors, nagpaliwanag ang mga referee ng laro kung ano ang kanilang naging basehan sa pagpapalit ng desisyon.

The following is a pool reporter transcript from tonight’s NBA Finals Game 1: pic.twitter.com/GTyrWpXa3p
— NBA Official (@NBAOfficial) June 1, 2018

Ayon kay Ken Mauer, crew chief ng mga ref, hindi umano sila sigurado noong una kung nasa restricted area ba si James nang tawagan si Durant ng offensive foul. Ngunit nang pinanood na nila muli sa monitor, nakita nila na wala sa legal guarding position ang four-time MVP ng liga.

“When over at the table, we then are allowed to determine whether or not he was in a legal guarding position,” paliwanag ni Mauer. “It was determined he was out of the restricted area, but he was not in a legal guarding position prior to Durant’s shooting motion.”

Ito aniya ang naging dahilan kung bakit pinalitan nila ang tawag sa blocking foul laban kay James.

Tangan ngayon ng Warriors ang 1-0 kalamangan sa kanilang serye sa Finals at naghahangad na madepensahan ang kanilang titulo.

Para sa iba pang mga balitang pampalakasan, bisitahin ang ABS-CBN Sports website.