Halos 200 pamilya sapilitang pinalikas sa Bansalan dahil sa bitak sa lupa | ABS-CBN
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Halos 200 pamilya sapilitang pinalikas sa Bansalan dahil sa bitak sa lupa

Claire Cornelio,
ABS-CBN News
Published Nov 24, 2019 09:03 AM PHT

Sapilitang pinalikas ang halos 200 na pamilya mula sa 4 na purok sa bayan ng Bansalan, Davao del Sur dahil sa mga malalaking bitak ng lupa.

Batay na rin ito sa abiso ng Mines and Geosciences Bureau (MGB) ng Department of Environment and Natural Resources.

Nasa evacuation center na ang mga apektadong residente ng mga purok Pananag B, Neptune, Venus at Pluto.

Sa Purok Pananag B, makikita ang mga malalaking bitak sa lupa na ikinasira din ng mga bahay at isang simbahan dahil sa mga pagyanig nitong Oktubre.

"Mahirap talaga, lalo na ang mga bata nagkakasakit na, at ang may-ari ng lupa papaalisin kami, iintindihin na lang namin ang matanda," ani Maricel Enlacinto, isang bakwit.

Ayon kay Barangay Managa chairman Sixto Taparan Jr., hindi pa malinaw sa kanila ang paliwanag ng MGB-Davao kung anong lugar talaga ang maapektuhan ng mga bitak kaya nais nilang magpasuri muli sa ahensiya.

"Dapat lang sana yong mga maapektuhan lang yong hindi na mapasukan kasi halos lahat na nag-evacuate na, ang dami na nila sa evacuation center," aniya.

Naghahanap ang lokal na pamahalaan ng malilipatang lugar para sa mga residente na hindi na puwede pabalikin sa kanilang lugar.