2 opisyal ng POEA, dawit sa korupsiyon, illegal recruitment, sinibak | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

2 opisyal ng POEA, dawit sa korupsiyon, illegal recruitment, sinibak

2 opisyal ng POEA, dawit sa korupsiyon, illegal recruitment, sinibak

ABS-CBN News

 | 

Updated Nov 22, 2017 12:49 AM PHT

Clipboard

Watch more in iWantv or TFC.tv

Inalis sa puwesto ang dalawang opisyal ng Philippine Overseas Employment Administration (POEA) matapos masangkot sa umano’y korupsiyon at ilegal na paraan ng pagproseso sa overseas Filipino workers (OFW).

Kasagsagan ngayon ng imbestigasyon sa korupsiyon at mga gawaing may kinalaman umano sa illegal recruitment sa POEA.

Ayon sa Department of Labor and Employment (DOLE), bukod sa balasahan, may dalawang opisyal na ang sinibak sa puwesto na hindi muna nila pinangalanan.

“Depende sa extent ng liability... makakasuhan ‘yon either administratively or criminally, and then hahantong talaga ‘yan sa removal from the service,” ani DOLE Undersecretary Dominador Say.

ADVERTISEMENT

Samantala, suspendido pa rin ngayon ang processing ng overseas employment certificate (OEC) dahil sa mga natanggap nilang report tungkol sa lumalalang problema sa illegal recruitment kaya walang bagong hire na OFW ang makaalis.

Napag-alaman kasi ng DOLE na may mga tauhan ng POEA na nakikipagsabwatan sa illegal recruiters at kumikita ng hanggang P250,000 sa pagpoproseso ng OEC kaya may mga bagong hire na nakakalusot bilang balik-manggagawa o returning OFW at nagre-renew na lang nito imbes na kumuha ng bago.

Sa kabila ng suspensiyon, mahaba pa rin ang pila ng mga aplikante sa mga recruitment agency.

Tatanggalin din agad ang suspensiyon sa OEC processing pero nakasaad din sa DOLE order na puwede pang palawigin ang suspensiyon.

Target na matapos lahat ng imbestigasyon sa December 1 para hindi na kailanganin ang extension ng suspensiyon sa pagproseso ng OEC.

Sa inisyal kasing tantiya ng POEA, 5,000 ang mga bagong OEC applications kada araw kaya inaasahang aabot sa 75,000 na bagong hire na OFW ang maapektuhan ng 15 araw na hindi pagpoproseso ng OEC na nagsimula noong Nobyembre 13.

-- Ulat ni Zen Hernandez, ABS-CBN News

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.