OEC processing, hinto muna; libo-libong bagong OFW, di makakaalis | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

OEC processing, hinto muna; libo-libong bagong OFW, di makakaalis

OEC processing, hinto muna; libo-libong bagong OFW, di makakaalis

ABS-CBN News

 | 

Updated Nov 10, 2017 08:12 PM PHT

Clipboard

Watch more in iWantv or TFC.tv

Libo-libong bagong overseas Filipino workers (OFW) ang hindi makakaalis ng bansa sa loob ng 15 araw dahil suspendido simula sa Nobyemre 13 ang pagpoproseso ng mga bagong overseas employment certificate (OEC).

Sinuspinde ni Department of Labor and Employment (DOLE) Secretary Silvestre Bello III ang pagproseso ng mga OEC ng mga bagong aplikante simula Nobyembre 13 hanggang Disyembre 1 dahil sa mga natanggap nilang report tungkol sa lumalalang problema sa illegal recruitment.

Napag-alaman kasi ng DOLE na may mga tauhan ng Philippine Overseas Employment Administration (POEA) na nakikipagsabwatan sa illegal recruiters at kumikita ng hanggang P250,000 sa pagpoproseso ng OEC kaya may mga bagong hire na nakakalusot bilang balik-manggagawa o returning OFW at nagre-renew na lang nito imbes na kumuha ng bago.

Bumuo na ng isang team para imbestigahan ang isyu at may nakaamba na ring balasahan sa mga opisyal ng POEA. Maaari rin anila na may masibak dahil dito.

ADVERTISEMENT

Pero nilinaw ng DOLE at POEA na hindi sakop ng OEC suspension ang mga matagal nang OFW na uuwi ng Pilipinas para magbakasyon lang lalo na ngayong Pasko. Hindi rin nito sakop ang mga sea-based o mga marino.

Sa kabila nito, tinatayang aabot pa rin sa 75,000 na mga bagong OFW ang maapektuhan sa loob ng 15 araw.

Sa taya kasi ng POEA, nasa 5,000 ang bagong OEC applications kada araw.

Ang OEC ang huling requirement bago payagang makaalis ng bansa ang isang OFW.

Dismayado rito ang ilang bagong hire na kailangan nang umalis ng bansa dahil inaasahan na sila ng kani-kanilang employer.

Umaalma rin ang mga recruitment agency gaya ng LBS Recruitment Solutions Corporation na hindi umano nakonsulta ng pamahalaan tungkol sa naturang desisyon.

Ayon sa kanila, malaki ang magiging epekto ng suspensiyon sa pagpoproseso ng OEC hindi lang sa mga OFW, kundi pati sa mga foreign employer lalo na ang sa healthcare, construction at manufacturing sector na mga pinakanagtitiwala sa mga Pinoy workers.

-- Ulat ni Zen Hernandez, ABS-CBN News

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.