P2P bilang alternatibo sa MRT, 'pumatok', 'matagumpay': MMDA | ABS-CBN
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
P2P bilang alternatibo sa MRT, 'pumatok', 'matagumpay': MMDA

ABS-CBN News
Published Nov 10, 2017 10:21 PM PHT

Lagpas 1,000 ang sumakay o tumangkilik sa mga P2P bus mula sa mga pribadong bus companies, kaya kung ang Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ang tatanungin, tagumpay ang kanilang proyekto.

"Matagumpay po ito kung titingnan natin sa serbisyo na ibinigay natin sa publiko...hindi kami du'n sa oras na napabilis namin ang biyahe, ang sa amin po eh nakapaglingkod kami sa bayan," ani Bong Nebrija, opisyal ng Traffic Management Operations ng MMDA.

Ito ang nakitang solusyon ng gobyerno upang pagaanin ang bugso ng tao sa MRT lalo na't winakasan na ang kontrata nito mula sa dating maintenance provider.

Bilang epekto, madalas nagkakaroon ng palpak ang takbo ng mga tren.
Bilang epekto, madalas nagkakaroon ng palpak ang takbo ng mga tren.
ADVERTISEMENT
Sa pag-arangkada ng 14 na private P2P at apat na MMDA bus, lagpas 1,000 ang piniling mag-bus na lang kaysa magdusa sa napakahabang pila at siksikan sa MRT.
Ang unang bus na napuno, nakaalis ng 6:15 ng umaga sa North Avenue at nakarating sa Ayala matapos lang ang 40 minuto.

Ang mga sumunod na bus, dahil sabay na rin sa kasagsagan ng morning rush hour, inabot ng isang oras at kalahati.

Halos kapareho lang ito kung nag-MRT, ayon sa MMDA, kung isasama ang halos isang oras na pakikipagbuno bago makasakay ng tren.

Libre ang pasahe sa MMDA bus habang P24 naman sa pribadong P2P, na hinalintulad sa presyo ng MRT.

--Ulat ni Doris Bigornia, ABS-CBN News
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT