PANOORIN: Marawi ngayon at ang mga bayani noong digmaan | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

PANOORIN: Marawi ngayon at ang mga bayani noong digmaan

PANOORIN: Marawi ngayon at ang mga bayani noong digmaan

ABS-CBN News

Clipboard

Kung dati'y hindi mabilang ang mga maririnig na putok at pagsabog, ngayo'y nakabibingi na ang katahimikan sa main battle area sa Marawi City.

Ilang araw mula nang matapos ang giyera, pinasok ng mga miyembro ng media ang main battle area nitong Miyerkoles.

Ang dating masiglang lungsod, hindi na makikilala ng sinumang residenteng bumalik dito.

Wasak na wasak ang Batoh Ali Mosque na naging kuta ng Maute group.

ADVERTISEMENT

Nahirapan ang mga sundalo na bawiin ang mosque dahil sa mga lagusan sa ilalim.

'Bayani'

Sa isang gusali naman sa kabilang kalsada nagbuwis ng buhay ang isang sundalo para sa kaniyang kasamahan.

Bayani ang turing ng mga scout ranger kay Cpt. Rommel Sandoval.

Kuwento ni Lt. Col. Samuel Yunque, battalion commander ng 1st Scout Ranger Battalion, niligtas ni Sandoval ang kaniyang mga kasama pero niratrat sila ng mga kalaban.

Tinakpan ni Sandoval ang kaniyang kasama para hindi tamaan.

Kumalat naman sa social media ang kuwento ng kabayanihan ng scout ranger na si Cpt. Jeff Buada, na nakipag-usap sa mga terorista para pakawalan ang ilang bihag.

Nakumbinsi ni Buada ang mga terorista na palabasin ang mga batang bihag.

Ngayong tapos na ang kanilang misyon, lilisan na ang mga tropa mula Marawi.

Pero mabigat ang loob nila para sa mga kasamahang nalagas at sa pinsalang iniwan ng bakbakan.

Nangako ang Armed Forces of the Philippines na hindi nila pababayaan ang Marawi at ang libo-libong Maranao.

Samantala, nilinaw ng pinuno ng mga barangay captain sa Marawi City na tanging mga taga-Barangay Basak Malutlut lang ang makapapasok sa kanilang mga tirahan sa Huwebes, Oktubre 26.

Nauna nang nag-abiso noong Martes ang City Disaster Risk Reduction and Management Office (CDRRMO) na tig-dalawang miyembro ng bawat pamilya ang makababalik sa siyam na 'pilot' barangay.

Hindi pa kasi nakukumpleto ng ibang barangay ang mga dokumentong dapat isumite para payagang makabalik ang mga residente.

Ayon naman sa clinical psychologist na si Dr. Maria Lourdes Carandang, dapat mas komprehensibo at agresibo ang gagawing psychosocial debriefing sa mga bakwit.

Maaari kasing matindi ang naranasang trauma sa giyera ng mga lumikas, lalo na ang mga bata.

--Ulat nina Raphael Bosano, Kori Quintos, at Ron Gagalac, ABS-CBN News

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.