Mga 'pasimuno' ng sigalot sa Marawi, patay sa bakbakan | ABS-CBN

ABS-CBN Ball 2025:
|

ADVERTISEMENT

ABS-CBN Ball 2025:
|
dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Mga 'pasimuno' ng sigalot sa Marawi, patay sa bakbakan

Mga 'pasimuno' ng sigalot sa Marawi, patay sa bakbakan

ABS-CBN News

 | 

Updated Oct 17, 2017 12:15 AM PHT

Clipboard

Napatay ng mga puwersa ng gobyerno nitong Lunes, Oktubre 16, ang mga teroristang sina Omar Maute at Isnilon Hapilon.

  • Mahigit P250 milyong pabuya sa pagkapatay ng 2 terorista
  • Aaralin pa ang pag-alis ng batas militar sa Mindanao
  • Tatapusin ang sigalot' bago ang ASEAN Summit

(UPDATED) Kinompirma ng Armed Forces of the Philippines (AFP) na napatay sa opensiba ng tropa ng pamahalaan sina Maute at Hapilon sa operasyon para tuluyang mabawi ang natitirang balwarte ng mga terorista sa Marawi.

Sa retratong ibinigay ng source ng ABS-CBN News, dala-dala na ng tropa ng gobyerno ang mga bangkay nina Maute at Hapilon.

Ayon kay AFP chief of staff General Eduardo Año, sa dibdib tinamaan ng bala si Hapilon, habang sa ulo naman tinamaan si Maute na inasinta ng isang sniper.

Kasalukuyang nakalagak ang labi ng dalawa sa command post ng Task Force Trident.

ADVERTISEMENT

Pero sabi ni Año, bibigyan ng disenteng libing sina Hapilon at Maute.

"They will be buried according to the Muslim rites, but we will not disclose the place because we don’t want this to be a symbol for martyrdom,” ani Año.

Sa ilalim ng kaugaliang Muslim, dapat mailibing ang labi bago lumipas ang isang araw.

Kukuhanan din muna ng DNA sample si Hapilon bilang beripikasyon sa kaniyang bangkay.

Gagamitin itong patunay para makubra ang $5 milyon pabuya ng Amerika para sa ulo ni Hapilon.

ADVERTISEMENT

“When you’re claiming a reward from the U.S. government, kailangang may proof ‘yon, like DNA test," paliwanag ni Año.

Bukod sa patong na $5 milyong katumbas ng P256,925,000 sa palitan ng dolyar ngayon, dati ring nag-alok si Pangulong Duterte ng pabuyang P10 milyon para kay Hapilon, "dead or alive."

May hiwalay pang P7.4 milyong patong sa ulo si Hapilon para sa mga dating asunto.

Sa kabuuan, may mahigit P274 milyong patong sa ulo si Hapilon.

May tig-P5 milyong pabuya namang inalok noon si Duterte para sa magkapatid na Omar at Abdullah Maute.

ADVERTISEMENT

“It will undergo a process, mayroon tayong informants na qualified and deserving to receive the reward. Susundan ang proseso na naaayon doon sa US claim rewards system,” sabi ni Año.

'Nagluto ng pag-atake'

Ayon din sa AFP, tuluyang napilay ang teroristang grupong lumusob sa Marawi kasunod ng pagkapatay kina Hapilon at Maute.

Sila ang itinuturong pasimuno ng paglusob sa Marawi.

Si Hapilon naman ang sinasabing lider ng Islamic State sa Timog Silangang Asya.

Sa isang video na nakuha ng militar ilang buwan ang nakalilipas, makikita si Hapilon na pinaplano ang pag-atake sa lungsod kasama ang magkapatid na Omar at Abdullah Maute.

ADVERTISEMENT

Una nang napaulat na nasawi si Abdullah sa air strike ng militar noong Setyembre.

Ayon kay Defense Secretary Delfin Lorenzana, natunton ang dalawa nang ibunyag ng isang nakatakas na babaeng bihag ang kinaroroonan nila sa isang gusali sa Marawi City.

Nauna nang sinabi ng militar na target nilang tapusin ang bakbakan sa Marawi nitong Linggo, Oktubre 15.

Simula Oktubre 14, inilunsad na ng AFP ang kanilang "final assault" laban sa teroristang Maute.

Bukod sa opensiba sa mga terorista, nailigtas din ng AFP ang 17 bihag nitong Lunes.

ADVERTISEMENT

Kabilang sa mga nailigtas ang ilang babae at mga bata, pati ang isang sanggol na ipinanganak umano sa loob ng main battle area.

Nasa 20 bihag na umano ang nasagip ng militar mula nang simulan ang final assault noong Oktubre 14.

Patitingnan sa mga doktor ang mga nailigtas bago sumailalim sa "tactical interrogation" sa mga tauhan ng militar, alinsunod sa mga patakaran ng AFP.

Ayon kay Colonel Edgardo Arevalo, public information officer ng AFP, patuloy ang kanilang mga operasyon upang mapuksa ang mga natitirang miyembro ng Maute at masagip ang mga natitirang bihag sa main battle area.

Isa sa mga target pa rin ng opensiba ng militar si Dr. Mahmud, isang Malaysian na lider din ng mga rebelde at pinaniniwalaang nagtatago pa rin ngayon sa isa sa mga gusali sa Marawi, ayon kay Lorenzana.

ADVERTISEMENT

Tinatayang may 30 iba pang teroristang nagkukubli sa main battle area ng lungsod.

Sinabi naman ng Malacañang na hihintaying muna nilang tuluyang masupil ang lahat ng nalalabing terorista sa lungsod bago ideklarang tapos na ang bakbakan na ngayo'y nasa ika-147 nang araw.

Pero may kumpiyansa ang tropa ng gobyerno na matutuldukan na ang sigalot bago ang ASEAN Summit sa Nobyembre.

"I think, because we are going to announce in a couple of days, that the fighting will stop... We are very sure that we can end this Marawi thing before the ASEAN Summit," ani Lorenzana.

Mayo 23 nang bulabugin ng Maute group ang Marawi City kasunod ng umano'y pumalyang planong pag-aresto kay Hapilon.

ADVERTISEMENT

Dahil sa kanilang pag-atake, isinailalim sa batas militar ang buong Mindanao.

Ayon kay Lorenzana, pag-aaralan muna nila kung irerekomenda na kay Pangulong Duterte na tapusin na rin ang umiiral na martial law.

“We are going to assess the situation in the entire Mindanao, and we will make our recommendation to the President in due time,” sabi ni Lorenzana.

Unang nakilala ang pangalang Maute group noong Pebrero 2016 nang salakayin nila ang military detachment sa munisipyo ng Butig, Lanao Del Sur.

Sinasabing Maute group din ang nasa likod ng pambobomba sa Davao City nitong Setyembre.

-- May ulat ni Raphael Bosano, ABS-CBN News

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.